Chapter 02: Gossips

117 17 13
                                    

"A—Ate Ate!.." parang nabingi ako sa mga biglaang pangyayari. Maliban sa boses ko na garalgal nang sumisigaw ay pawang ang nakakabinging heartbeat flatline nalang ni ate ang maririnig sa kwarto kung saan siya nakahiga. Tila ba ay tumigil ang mundo ko, na para bang nakikita ko ang sarili kong umiiyak katabi ang bangkay ni ate.

Bakit ngayon pa na kailangan kita? Bakit ngayon pa na sa akin ay may naniniwala na?

Even though I tried to stop myself from crying, I could still feel the warm tears flowing from my eyes, tears that I dont have a clue when to stop and disappear.

All I could see from my vision was full of dark and misty because of these tears.

Masikip sa dibdib na para bang may kamay na pumipisil at mga karayum na itinutusok sa puso ko at pilit itong pinapatigil ako sa paghinga.

Para saan pa ba ang pangarap ko? para saan pa ba ang lahat kung wala na ang nagsisilbing lakas ko? Paano ako babangon kung wala naman akong rason para tumayo?

Iyan lamang ang ilan sa mga tanong na palaging pumapasok sa utak ko at para bang palagi nitong binubulong na dapat na akong sumuko.

Ilang araw naring pinaglalamayan ang bangkay ni ate dito sa bahay at ito ako nasa kwarto at tulad ng nakakasanayan naka-upo sa kama habang nilalasap ang mga hanging dumadampo sa mukha at katawan ko, dulot ng mga naglalakihang alon mula sa dagat na nasa harap ng aking balkonahe.

Para bang sumasabay ang alon sa lungkot at pighati na nararamdaman ko, humahampas ito sa dalampasigan ng may pwersa na tulad ng bawat patak ng luha ko ay biglaang pagbabalik ng mga masasayang ala-ala, mga ala-alang kahit kailan ay hindi na pwedeng mabalikan.

Mula sa aking inu-upuan, ang malakas at matamis na bango na tila ba ay sumasayaw sa panlasa ng aking dila sa tuwing paglanghap ko ng malalamig na hangin at ang tunog ng malalaking alon na'to ay nagbibigay kiliti at kakaibang sensasyon at pakiramdam sa aking mga tainga, dahilan ng unti-unting pagpikit ng aking mga mata.

As I closed my eyes I felt something, warm arms wrapped around me, that made my tears flow more freely. In that moment, even though I don't see her face, I know who she is and i felt nothing but safe.

Safe to shout all the anger and sadness that trapped inside me. Safe to cherish every second left.

Her arms around me felt like security right then. They felt like the warmest blanket in the world that was fresh from the dryer during the winter season.

And that tightest hug for the last moment is the best gift I received that I will treasure forever.

Ramdam at rinig ko rin ang mga salitang binulong nito na dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo ko sa batok at pati narin sa kahit saang parte ng katawan ko.

Binulong nito ang mga salitang kailan man ay hindi ko mismo narinig sa bibig ng aking mga magulang.

"Mahal na mahal kita..." malamig na sambit niya at dahan-dahan ng naglalaho ang presensiya nito, pati ang mainit na yakap kanina lang ay unti-unti naring napapalitan ng malamig na temperatura.

Malakas ang kutob ko na si ate ang presenya na iyon, pero hindi ko man lang nagawang lumingon, hindi ko man lang nagawang gantihan ang yakap na ibinigay niya, hindi ko man lang pinaramdam sa kanya na lubos akong nagpapasalamat na nandiyan siya palagi sa tabi ko para ako ay damayan.

Even if you are gone, you will still be my sister and I will never be able to forget what you have done. I love you..

After that accident happened to my sister, my mom and dad completely lost their attention to me. I literally become completely invisible to them.

Reycepaz's Reverie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon