Chapter 23: Commons

4 1 0
                                    

Merliah's Pov

"Accept me again Merliah"

Sabi ni Reycepaz matapos ihiniwalay nito ang kanyang mapupula at maiinit na mga labi na naglalabas pa ng maiinit na ulap-usok dahil sa lamig. Leaving only the sensation of his lips of mine.

Para ba akong wala sa pag-iisip dahil kusa ko nalang siyang niyakap ng mahigpit.

I didn't say anything and just nodded while hugging him na tila ba ay ayaw ko na siyang bitawan.

Alam kong alam niya ang ibig sabihin ng pagyango ko.

Tanging nasa isip ko lang ay takot, takot na mapasakamay siya ng iba. I want to own him even it's against by the faith and rules.

We can break the rules if we have to. Well that's what's in my mind, besides, if I don't break the rules, it might be the rules will break me.

Kumalas naman ako sa pagkakayakap ng marinig ang mga sinabi nito.

"It's okay. I won't leave you."

After hearing those words, I feel his warm hands drive towards my face and slowly traveled and explore as if he was scanning it. Mula sa aking pisngi pababa sa aking mga labi na sinusundan naman ng kanyang mga mata. I can also see that there's not a glimpse of hesitation in his eyes. And it's like each minute felt like an eternity. Para bang nag-slow motion nalang ang lahat.

Para ba akong nakasaksi ng milagro dahil kahit ang aking mga kamay ay hindi ko na maigalaw. Gusto ko na kaming dalawa ay mananatiling ganito, dahil alam ko sa oras na ito lang kaming pwedeng gumanito.

The cold night atmosphere also compliments the ambiance.

Ngunit bigla nalang akong bumalik sa realidad ng maramdaman kung sumasakit na ang aking mga pisngi!

W—What the heck is wrong with him? Ginawa niyang dough ang mukha ko na minamasa-masa na para bang maya-maya lang ay gagawin na itong tinapay.

"Tigilan mo na kasi ang pag-fa-fantisize ng katawan ko baka tumulo pa iyang laway mo—aray!"

Sigaw niya nang kinurot ko ang tagiliran nito na kahit sarili ko ay nahirapan kung saan ako kukuha ng tabang kukurutin, sapagkat puro nalang muscle yung katawan niya.

Tinignan niya ako ng ilang segundo bago isiniklop ang kanyang kamay sa aking mga daliri bago ako dahan-dahang hinatak papunta sa unahan.

Ng palapit ng palapit na kami sa parang gustong puntahan nito ay saka lang naging malinaw sa aking paningin na ang nais niya palang marating ay ang driftwood na halatang inanod ng malalakas na alon na malapit lang dito.

Ng marating ito ay agad naman itong bumitaw sa pagkakahawak ng aking kamay at agad na pinagpagan ang may kunting mga buhangin at saka niya ito tinapik na para bang sinasabi niyang "umopo kana, nilinisan ko na"

Agad naman akong umupo at tumabi naman siya. Natatawa tuloy ako sa mga pinaggagawa namin, para kaming mga bata na naglalaro ng bahay bahayan. Na ako ang ina at siya naman ang ama—shit kahit ano nalang ba ang pumapasok sa isip ko?

Walang umiimik sa aming dalawa at nakaramdam nalang ako ng basang buhok sa aking balikat.

Kung hindi siya humiga sa aking balikat, siguro hindi ko mapansin na unti-unti na palang tumitigil ang ulan.

Kahit sino naman siguro ang nasa aking posisiyon ay talagang hindi na gusto pang umalis—eh sino ba naman kasi ang gustong umalis kung nakahiga na sa balikat mo 'yung crush mo na hindi lang gwapo but also a perfect person in your vision.

"I want you"

Ho—ooy! Bakit namimigla ha? Halos nabubulunan nalang ako sa sarili kong laway dahil sa mga pinagsasabi ng taong ito.

Ewan ko ba pero gusto kong sabihin na mahal ko rin siya, but it seems my mouth is still in shock for what happened.

"Miss Feras gusto nga kita!"

At talagang inulit pa talaga ha? Hindi ba pwedeng intindihin mo nalang na silent means yes?

Nabigla ako ng umalis ito sa pagkakahiga sa aking balikat at ako ay tinignan ng masama na para bang batang hindi pinayagan ng kanyang ina na pumunta sa field trip.


"Oo na! Mahal din kita!" Sigaw ko sa kanya ng makitang nag-crossed ang mga braso nito habang siya ay nakabusangot.

Hindi pa rin ito umiimik at nanatili sa kanyang ginagawa. Ano bang problema ng lalakeng 'to? So parang binabaliktad niya ang position ha? Na sa halip na ako dapat 'yung magalit matapos ang ginawa niya kanina—eh parang ako naman ang may kasalanan ngayon? Sinabi ko nalang ang bagay na iyon dahil ayaw ko na umabot pa sa point na sasabihin nitong "if you want my forgiveness then, suck my—"juskoo! Ayaw kung matulad sa nababasa ko sa Wattpad.

Let's accept the fact that those things never existed!

"I have secrets to tell, I hope that after you hear it. You won't leave or hate me."

Parang binuhusan ako ng yelo ng marinig ang mga pinagsasabi nito na tila ba ay bigla ko nalang naramdaman na nagsisitayuan ang aking mga balahibo kahit na ito ay basa sa ulan.

What he said made my tears dropped for no exact reason—i mean there is a reason but I can't tell him.

"When I was just a kid, I randomly felt like I was different from everyone else. There are words that suddenly come out of my mouth that I don't even know what they are and how to use them"

Sabi nito habang nakatingala lang sa langit at para bang nilalasap nito ang mga ulan na bumubuhos mula sa maiitim na ulap. Hindi lang parang, pero ito talaga ay nakanganga at pilit na iniinom ang mga ulan na naipon nito sa bibig. Napapalunok din ako ng makita ang adams apple nitong gumagalaw.

He's hot even in this cold weather.

"Wala akong ibang pinagsabihan nito. But, I want to say it to you, because I trust you. And living in a world while hiding your secrets is a huge burden for me, para kong ina-alsa ang mabigat na mundo. Even this rain they said has a sweet flavor— I could not taste it"

Nanatili lang akong nakatikom ang bibig at binubuksan ang aking mga tainga upang mas lalong marinig ang kanyang mga sinasabi.

" I can't even see anything in the mirror—haha" he chuckled.

Hindi ko alam kung paano ko ipaliwanag ang aking nadarama sapagkat parang naririnig ko ang sariling tunog ng pagtibok ng aking puso. Tila ba ay puro nalang pagkabigla ang aking reaksiyon.

I didn't know that the person I wanted to be with, him and I, had a lot in common with each other.

Pero ang pagkakapareho namin ay ito naman ang pagkakaiba ng lahat.

No one knows, even him—where we really are right now.

Reycepaz's Reverie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon