Chapter 16: Forget

14 5 0
                                        

Reycepaz's Pov

kanina pa ako dito sa Library at nararamdaman ko na rin ang pagmamanhid ng puwet ko sa kaka-upo.

Natatawa nalang kasi ako kay lola dahil pilit niyang pinapaalala sa akin na hindi raw talaga ako makakapasok sa bahay niya pag hindi ko mahanap ang babaeng nagbibigay sa'kin ng sobrang saya na may halong kaba.

Teka lang, tama ba 'tong mga ginagawa ko? Hindi ba ako mare-report ng child abuse dahil dito? Baka makulong pa ako dahil sa mga aksiyon at katangahang ginagawa ko.

Wala naman sigurong masama ng magmahal diba? I'm just—I just want to feel love. A true love sabi nga nila.

I know true love will exist for those people who believe. Kung ayaw mo namang maniwala eh 'di bahala ka.

Aside from the things she gave to me that always has a color of pink. I don't have any clue for who she is, and I don't even know how to start making a conversation with her.

There are a bunch of questions that are bothering my head right now, the feeling that you seem to doubt the flow of both your feelings and mind. Ugh!

I was about to put my head on my hands on the table, because I wanted to take a nap when suddenly someone tapped me lightly on the back dahilan ng biglaang pagbangon ko.

Ng malaman kong hindi ako nanaginip ay, agad kong inayos ang pagkaka-upo ko.

"Sorry for disruption Mr. Madigan, pero kailangan namin ang tulong mo para sa darating na event"

Agad naman akong napatanong ng nakalimutan ko ang sinasabing event nito o talagang ngayon lang nila 'to napag-usapan.

"What event Ma'am?" tanong ko sa head teacher na mukhang pera—i mean event, mukhang event.

"The talent battle, remember?"

Sabi naman nito sa'kin na para bang alam ko talaga, eh wala naman talaga akong ma-alalang kahit anong event.

"Anyways, kailangan mo ng sumama sa'kin ngayon dahil kukuha rin kami ng mga ideya mula sayo. You will be the one to choose the motif or theme na magiging disenyo natin sa gymnasium kung saan mangyayari ang event"

"W—Wait Ma'am, bakit ako yung pipili at sa'kin kayo kukuha ng ideya?" agad kong tanong sa kanya ng may nararamdaman akong kakaiba. Iyong antok na naramdaman ko rin kanina ay bigla nalang nawala.

"because, we do believe that your students have hidden talents. At alam namin na mas maging maganda ang daloy ng event kapag maganda rin ang disenyo ng venue like they did to the
Theater room.." mahabang paliwanag pa nito.

Gaya ng kidlat, mabilis kasing kumalat sa unibersidad ang ginawa ng mga studyante ko sa Theater room noong Teachers day.

Naalala ko pa na biglang napuno ng studyante at guro ang silid na 'yun. Ang iba rin sa kanila ay hindi makapaniwala at sa huli ay nadala nalang sa pagkamangha. Ang event na kung saan ay inihanda para lang sa akin ay naging pang buong paaralan na. Ang maluwag na theater room ay biglang sumikip.

Ayos lang naman din sa akin, total hindi naman ako nakakalasa at sayang naman ang mga pagkain na inihanda nila kapag walang kakain rito. Okay lang na ibigay mo ang pagkain sa ibang tao para maubos kaysa naman, ipagdadamot mo tapos masisira lang 'yung pagkain sa huli.

Domuble na rin ang saya ko sa mga araw na 'yun dahil mas naging kilala sila ng lahat at ang dating seksiyon na binu-bully, kinakatakutan, pinagdidirihan, maraming problema, at misteryoso ay naging kilala na sa unibersidad.

Ang dating mga matang puno ng problema, mga matang tila ba isang balon na hindi mo maabot dahil sa lalim, mga mata na para bang black hole, mahirap ipaliwanag, puno ng katanungan, ay ngayon malaya ng namumukadkad at uma-apaw sa saya.

Reycepaz's Reverie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon