Disclaimer: This is a work of fiction, names, characters, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
May scene sa ibang chapter na wrong grammar ako, pagpaumanhin tao lang po. I-edit ko nalang to pag di na ako busy.
Copyright ©green_ladyyy
Loving a Mermaid ( De Madrigal Series #1)
.
.
.
.
.
.
.
....
Lours' POV
"You're such a failure!" Bulyaw saakin ni papa.
Actually, he's not my real father, adopted lang ako kaya hindi ako magawang mahalin ni papa.
"I'm sorry pa." sagot ko habang sa sahig lamang naka tingin. Hindi ko magawang i-angat ang ulo ko kasi alam kong nakatingin si mama.
Si mama na ayaw kong mag alala, si mama na ayaw kong kaawaan ako.
She is the one who adopted me. Ma'am Silva De Madrigal.
I was six years old back then when my parents died on a car accident.
Palaboy laboy ako sa daan nung mga oras nayun.
Nakita ako ni ma'am Silva at agad tinulungan
Dadalhin sana niya ako sa ampunan pero ng malaman niya ang kwento kung ba't palaboy laboy nalang ako sa daan ay agad siyang naawa.
Pinatuloy niya ako sa mansion ng De Madrigal, di katagalan ay inampon na niya ako dahil daw sa mabait akong bata.
Pero hindi sang ayon dun si Don Hulyo De Madrigal, ang aking ama amahan, umpisa pa lang ay tutol na siya na ampunin ako nguni't pinilit parin siya ni mama, kaya hindi ako magtataka kung bakit palagi nalang siyang galit saakin.
tatlo kaming magkakapatid, Ako ang panganay, si Luris ang pangalawa at si Silvira ang pangatlo
Sa aming tatlo ay ako lamang ang ampon, kaya labis ang pagkainggit ko sa dalawa kong kapatid dahil ni minsan hindi sila nasigawan at nabulyawan ni papa.
Pero kahit naiinggit ako sa mga kapatid ko ay hindi ako galit sa kanila, laking pasasalamat ko pa nga at tinuring nila akong tunay na kapatid lalong lalo na si Silvira.
"You are a disgrace! Hindi ko tatanggapin yang article na yan! Gumawa ka ng bago!" Napabaling ako kay papa dahil sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala na gagawa ulit ako ng bago, nag hirap ako dun tas konting mali lang ay uulit ulitin ko. Pero hindi ako nagreklamo, tinangap ko nalang ang papel na ipapaulit niya sakin.
"Hulyo tama na! Konting mali lang naman yan kung maka bulyaw ka, matututo rin si Lours, wag mo madaliin!" Nakisali narin si mama.
Sana lumabas nalang muna si mama dito sa opisina
Ayokong marinig niya ang mga sinabi at sasabihin pa ni papa.
Fuck this life of mine!
"Matututo? Kailan pa? Ang tagal na niya sa kompanyang to! Sinabi ko naman sayo na walang matututunan ang batang yan! nanggaling yan sa mahirap na budhi kaya walang alam yan sa mga gantong bagay!"
"Tama na!"
"Ma ayos lang, lumabas ka nalang muna ma" hiyang hiya na ako, ang pagalitan at bulyawan makakaya ko pa, pero kung sa harap ni mama hindi na. Sana tumigil na si papa, baka kasi hindi ko siya matiis at masagot ko siya.
"Sige Silva, kampihan mo ang ampon na yan!" At pagkatapos sabihin ni papa yun ay lumabas narin siya.
Thank God, mas mabuti talaga na lumabas muna si papa.
BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasy[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy