Author's note; Malapit na birthday ko, this coming December 19!💚💚💚
...
...
...Haharapin ko ba siya?
Ay malamang Amara aarte ka pa?
Aish! Bahala na nga!
"Amara.....I'm sorry."
Hindi ako umimik, tanging maliit na hikbi lang ang tinugon ko.
"I'm sorry okay? I'm so sorry"
Hinahaplos niya ang mukha ko habang paulit ulit manghingi ng tawad.
Napatawad ko naman siya.
Rufok!
"Sorry din Lours, huhuhu!"
OA
Nagyakapan lang kami hanggang sa ako na rin mismo ang naunang bumitaw, nagugutom na kasi ako. Ala una na ata ng hapon tapos kaninang alas otso pa yung huli kong kain.
"Lours nagugutom ako" nag pout pa ako.
Ewan ko ba, bakit ang OA OA ko na. Hindi naman ako ganito dati.
"Hmm? Let's go inside? Anong gusto mong kainin hmm?"
Nakikiliti talaga ako, hinahaplos niya kasi mukha ko.
Kilig sa maling akala, choss
Kay aleng Helena ko talaga natutunan mag hugot, oo nga at tinigil na niya ang paghalo sa salitang english at tagalog pero iba na naman ngayon, kada salita niya binibigyan niya ng hugot. Mabibilang lang sa daliri kung ilang beses siya nag seryoso.
"Kahit ano nalang Lours basta makakain"
He chuckled.
"Alright let's go inside."
Pumasok na kami sa hotel, nag order na rin ng mga pagkain si Lours. Gutom na talaga ako huhu!
Finally!
Nandito na ang mga pagkain na inorder namin.
Hmm yummy!
Ang lakas ko kumain, hindi ko nga alam anong itsura ko ngayon basta napatawa si Lours. Gutom ako kaya bahala na ang itsura.
"Amara may dumi sa gilid ng labi mo."
Tinuro ni Lours ang labi ko
"Ha?"
Hindi niya ako sinagot, kumuha na siya ng tissue.
Pupunasan na niya sana ang gilid ng labi ko kaso nabitin yun ng may magsalita
"Babe? what are you doing here?"
Si Silvira.
Sumingit na naman.
Hindi ako pwedeng makampante, last time na nagkita kami ay nagkaaway. Alam kong gagawa at gagawa ito ng paraan, magaling pa naman ito umarte kaya siguradong sigurado ako na aarte ito.
"Hey, Silvira. May pinuntahan lang ako dito, ikaw naparito ka?"
Nagyakapan sila sa harapan ko bago ulit nag usap.
Okay lang.
"May photo shoot ako ngayon, at dito daw gaganapin...at..sino yang kasama mo?"
Duh obviously!
Saka lang sila napalingon saakin.
Nanlisik na naman ang mata ng bruha.
BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasy[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy