Amara's POV
"Anak behave ka muna, pupunasan lang ni mama ang dumi sa lips mo"
Agad namang tumigil sa pagkain si Amora Lorina. My one year old daughter
Isang taon palang ang anak ko pero marunong na marunong ng magsalita
"Mommy the ice cream is so yum yum!"
I smiled, my daughter is so cute!
"Kaya ubusin mo anak ha"
Hindi naman ganun kadami ang binigay kong ice cream sakanya, yung mauubos niya lang
"Mommy buy tayo marshmallows!"
Napangiti ulit ako, gustong gusto niya talaga ang marshmallows
Parang yung papa niya lang
Erase! Erase! Wag mo na siyang isipin Amara, masaya na siya, tahimik na ang buhay niya. Pilit ko siyang inalis sa isipan ko
Higit sa lahat, may asawa na siya
Pinilit kong alisin ang mga pinag iisip ko.
Dapat ay mag focus lang ako sa anak ko, kontento na naman ako kay Arina.
One year ago, hindi ako umalis, hindi ako bumalik sa kaharian namin
Nagtago ako nung araw nayun, hinahanap nga ako ni Hulyo, pero tumigil naman sila kinagabihan
Agad akong umahon sa dagat at nagsuka, nahihilo rin ako at ewan kung ano ang pakiramdam na ito
Pumunta agad ako sa Isla para magpatulong kay aleng Helena
At ayon sakanya, buntis ako
"P-paano ako nabuntis?"
"Dahil siguro dun sa nagkadyutan kayong dalawa dito sa kubo nung wala ako"
Hindi ako makapaniwala nung araw nayun. Nakiusap rin ako kay aleng Helena na tulungan ako sa pagtago mula kay Hulyo.
Balak ko naman sanang sabihin kay Lours na may anak kami kaso dilikado pa nung mga panahon na yun, dahil nasa puder parin siya ni Hulyo.
At kapag sinugod ko siya dun ay maari akong mapahamak, hindi lang ako kundi pati narin ang anak ko. At hinding hindi ko hahayaang mangyari yun.
Kaya naghintay ako kung kelan siya aalis sa bahay ng De Madrigal.
At yun nga isang araw nabalitaan ko kay aleng Helena na sa ibang bahay naraw siya nakatira
Sobrang saya ko na nun, sa wakas masasabi ko na kay Lours na may anak kami. Mamumuhay na kami ng masaya
Pero nawala ang ngiti sa labi ko sa sunud na sinabi ni aleng Helena
"Kasal na siya Amara, kaya nasa ibang bahay na siya dahil kasal siya....dun sa kapatid niyang si Silvira"
Kaya nawalan ako ng pag asang sabihin sakanya, at sakatunayan pwede ko parin namang sabihin sakanya kasi may karapatan siya bilang ama, pero naalala kong nangako siya sakin na hihintayin niya ako tapos wala pang tatlong buwan may asawa na pala siya
Ang bilis niyang ipagpalit ako, galit ako nun kaya isa yun sa dahilan bakit hindi ko sinabi
At siguro dahil hindi nagtatagpo ang mga landas namin kahit ang lapit lang naman namin sa isa't isa ay dahil hindi alam ni Lours na nandito lang ako, lagi ko siyang nakikita sa dalampasigan kung saan kami huling nagkita.
BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasía[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy