Chapter 7

270 19 2
                                    

"Babalik nalang tayo tomorrow Amara" Sambit ni aleng Helena.

Hindi daw ako nakapasa kasi ang sama daw ng ugali ko. Masama ba yung sinabi ko? Ano ba kasi ibig sabihin nung "Don't waste your time asking me random questions miss" siguro masama iyon? Ayaw naman kasing sabihin ni aleng Helena ang ibig nun sabihin basta wag ko na lang daw yun isipin.

"Janitress nalang kaya aleng Helena. Sabi kasi nung babae papasa daw akong janitress. ano ba yung janitress?" Tanong ko.

"No way! hinding hindi ako papayang na gawin kang janitress! Baka di niya know na anak ka ng pinuno sa ating kingdom!"

Napangiwi nalang ako.

Bakit ba ang hilig niyang paghaluin ang salitang tagalog at engles? Di ba niya alam na ang pangit pakinggan?

"Ang janitress iha ay parang maid, you know maid?"

"Anong maid?" Maid? Baka Mermaid? Yung ingles ng sirena? Ang gulo gulo naman!

"Maid iha as in katulong, maglilinis ka ng buong kompanya want mo yun?"

Aha! Kung lilinisin ko ang buong kompanya malilinisan ko rin ang silid ni Hulyo De Madrigal. Tama? Ang galing!

"Papayag po ako maging isang katulong aleng Helena sa ayaw at sa gusto mo."

Maghintay ka Hulyo!

...

"MAY mag aaply bilang janitress?"

"Yes ma'am"

"Sino?"

"Amara Dela Torre ang pangalan ma'am"

"At talagang may gana bumalik ang babaeng yun!"

Napapikit nalang ang mata ko ng Biglang sumigaw ang babae. Nandito ako sa labas ng silid kung saan ko nakaaway ang taas kilay na babaeng yun. Nakikinig lamang ako sa pag uusap nila.

"Papasukin mo"

Umayos ako ng tayo ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"Pasok kayo miss"

Dahan dahan akong pumasok at yun nga! Tama ang hinala ko. Naka taas kilay na naman siya.

"A-ah hi po, tama ka nga bagay ako sa janitress!"

Hindi siya natawa. Dinaan ko na nga sa biro ayaw pa niyang matawa?

"Upo ka."

"Yes po!" Ngiting sagot ko. Sabi ni aleng Helena dapat numiti lang daw ako palagi, sending vibes daw.

"So?" At nakataas ulit ang kanyang kilay " na realize mo na ba na sa janitress ka nababagay?"

"Opo" naka ngiti kong sagot ulit. Hindi ko maintindihan ang engles niya pero nabanggit niya ang janitor kaya opo agad.

"Mabuti naman"

Tahimik lang akong pinapanuod siya sa kanyang ginagawa.

"Oh ano pang hinihintay mo? Lumabas kana at magsisimula ka ng mag linis ng lobby!"

Bakit ba napaka taray niya? Hindi naman niya sinabing magsisimula na pala ako kaya bakit siya nagagalit?

"Ahh sige po. Sino po ang mag tuuro saakin sa direksyon kung nasaan ang mga materyal panglinis?" Tanong ko.

"Magtanong ka sa isang stuff sa labas"

"Ahh sige maraming salamat ulit ginang?" Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya kaya itatanong ko lang

Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon