Chapter 24

220 12 0
                                    

"Magbihis kana, late na tayo. Nauna narin si mama, hindi na niya tayo nakausap, mamaya nalang daw"

"Sige kuha lang ako ng damit" Ani ko.

Kinuha ko yung white dress na tube yung style.

Hanggang legs lang din yun.

"Lours labas ka muna, magbibihis lang ako"

"Di na kailangan, nakita ko na naman ang katawan mo kaya wala ka ng matatago"

Aba ang lintek!

"Ang bastos talaga ng bibig mo!"

"Ops sorry, nag sasabi lang ng totoo"

Duh!

"Labas na kasi!"

"Magbibihis ka lang naman pinapalabas mo pa ako, bihis na, baka mas lalo tayong ma late"

Wait lang

"Lours sino palang nagsabi na imbitado ako sa lunch?"

Ngayon ko lang naisip, hindi ko naman narinig kay ma'am Silva na inimbita niya ako sa lunch

"Ako."

Ano?!

"Gago Lours ikaw? So hindi pala ako imbitado?"

"Imbitado ka, ayan nga oh inimbitahan kita"

Gago lang?

"Ayoko! Wala palang nag imbita sakin, paano pagpunta ko dun? Nakakahiya!"

"Inimbitahan nga kita, ako ang kasama mo dun"

"Ayoko!"

"Wag mong hintayin na ako pa ang magbihis sayo"

"Lours ano ba! Basta ayoko, matutulog ako dito choo! Alis na!"

Nataranta ako ng bigla siyang lumapit sakin.

"Sige na nga! Magbibihis na ako! Labas! Kasalanan mo rin naman to, nakipag chukchakan kapa sakin alam mo naman palang nagmamadali tayo!"

Aish! Kakainis!

...

ILANG oras rin ako sa loob ng kwarto, nag iisip pa kasi ako kung sasama ba talaga ako oh hindi.

Bahala na si barakuda!

Sinuot ko na ang dress at lumabas na ng kwarto.

Nakita ko si Lours na patingin tingin sa relo niya

Nakatalikod siya kaya kailangan kong tawagin

"Psst Lours"

Geez! Nakatalikod palang siya ang gwapo na

"Amara ilang oras----Putangina!"

Nginitian ko lang siya, hindi ko alam bakit ganun ang reaksyon niya

Pangit kaya ang suot ko?

Ilang oras muna siyang tumitig sakin, tatanungin ko sana siya kung pangit ba pero bigka siyang pumikit

So pangit nga?

"Wag kang lumapit sakin love, nalilibog ako sayo, baka mahubad ko yang suot mo"

Wtf!

"Punyeta ka talaga! Akala ko pa naman hindi mo nagustuhan"

"What? Ang ganda nga, nalilibog tuloy ako"

Duh! Landi na naman

"Akala ko ba male-late tayo?"

"Oh yeah, I forgot"

Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon