Chapter 27

211 11 2
                                    

"Hon bakit hindi ka pumunta? Birthday party ko yun, special sakin ang kaarawan ko tapos hindi ka man lang pumunta?"

Binaba ko ang news paper at tiningnan ng diretso ang mata ni Silvira

"Oh, special sayo? Saakin kasi hindi, kaya bakit ako pupunta?"

"Asawa mo ako! At kailangan kita dun, kaarawan ng asawa mo pero hindi mo man lang pinagtuunan ng pansin!"

I just smirked.

"Nilinaw ko na sa simula palang Silvira, papayag akong magpakasal sayo pero hindi ko sinabing gagampanan ko ang pagiging asawa, alam mong sa una palang wala akong gusto sayo, pinilit mo parin, kaya ngayon magtiis ka."

Iniwan ko siyang nakatulala.

Isang taon na kaming mag asawa, pero ni isang beses hindi ko siya tinuring na asawa ko.

Kahit kailan hinding hindi mapapalitan ang babaeng pinakamamahal ko.

Wala mang kasiguraduhang babalik siya, maghihintay parin ako.

Kahit matapos man ang mundong to ay hihintayin ko parin siya

Geez! Lours De Madrigal umayos ka

Bakit ko na naman ba siya iniisip? Malulungkot lang naman ako kaya hindi ko na muna dapat siya isipin.

(The jerk is calling)

I picked up my phone.

Geez! This jerk again!

"[Hey bro! How's life having a wife?]"

"Terrible."

Luris chuckled.

"Why are you calling? Is it urgent?"

"[Ang sama mo na sakin ah, kung galit ka kay Silvira wag moko idamay, mukha ba akong may gusto sayo?]"

Ako naman ang napatawa.

"La kang kwenta kausap. Bye."

Binaba ko agad ang telepono ng akmang magsasalita ulit siya.

Kailangan kong pumunta ng kompanya ngayon, may biglaan daw kasing announcement kaya biglaan din ang meeting.

Napadaan ako sa mall at hindi ko inakala ang makikita ko.

Hindi ko alam kung guni guni lang ba yun oh totoo

Geez Lours wake up!

I saw someone who looks so much like Amara

Inside the mall...

What the fuck De Madrigal gumising ka!

Inihinto ko muna ang sasakyan sa tabi at pilit pinapakalma ang sarili ko.

Umayos ka Lours, nasa ilalim ng dagat ang asawa mo, wala sa mall.

Tama! Nasa ilalim ng dagat ang asawa ko. Guni guni lang yun.

Siguro namiss ko lang ng sobra si Amara kaya nagsimula na akong mag guni guni.

One year ago.

Pagkatapos ng nangyari ay hindi na bumalik ang mahal ko

Araw araw akong pumupunta sa dagat kung saan kami huling nagkita pero hindi na talaga siya bumalik

Isang taon....isang taon ko siyang hinintay

Palagi ko ring dinadalaw si aleng Helena sa Isla para kumuha ng balita mula kay Amara pero wala rin siyang alam.

Hanggang sa, wala na si aleng Helena sa Isla. Sobrang nabigla pa ako nun. Pinahanap ko siya noong una pero ng umabot ng isang buwan ang pag hahanap ay pinatigil ko na, siguradong bumalik narin yun sa ilalim ng karagatan.

Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon