"Upo na love." bulong ni Lours.
Kanina pa talaga ako walang gana, ang sama talaga ng kutob ko.
Hindi ko alam ano ang ibig sabihin ng sinabi niya pero alam kong hindi iyon maganda, at ayokong malaman kung ano man yun.
Nagsimula ng magkainan, pilit rin akong kumakain.
"So, how's your relationship with Lours. Silvira?"
Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa lolo ni Lours
"So far, it's fine Lolo, nag o-open up rin po kami sa isa't isa" saakin siya nakatingin habang ngumingiti ng plastic
So? Pinaparinigan niya ba ako?
"Good to hear."
Natahimik muna ng ilang minuto bago nagsalita ang papa ni Lours, si Hulyo.
"Lours, alam mo naman sigurong ampon ka diba?"
Ampon?
Anong ampon?
Hindi ko alam ano yun, since hindi yun naituro ni aleng Helena oh kaya ni Terri oh ni Chi
"Yes pa, alam ko."
Tumango tango naman si Hulyo
"And since you are not blood related to any of us, and specially to Silvira. Hindi kayo magkaano ano kaya hindi kasalanang ipakasal kayo."
Sabay na bumagsak ang kutsara ko at kutsara ni Lours. Pareho kaming nabigla.
Ano raw? Kasal? Yung mag asawa na ang dalawang tao
"Pa? Anong kalokohan to?"
Natigilan rin sa pagkain ang iba
Bigla namang sumabat sa usapan si Silvira.
"Babe don't you like it?"
"A-ano ba kasing ibig sabihin nito!"
"Hulyo anong kahibangan ito?"
Pati si ma'am Silva ay nakisali na.
Nakikinig lang ako sa pagtatalo nila, walang ni isang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.
"This is my daughter's will, at hinding hindi ko kayang tanggihan ang hiling ng anak ko"
"Nahihibang kana ba Hulyo! Magkapatid sila!"
"Ampon lang ang batang yan!"
"Dad enough! Papayag naman si Lours, Hayaan lang natin siyang maka recover"
Narinig ko ang mahinang tawa ni Lours
"Silvira sabihin mo ang totoo! Noon paba ay may gusto ka sakin?! Sakin na kapatid mo?!"
"We're not blood related babe, kaya pwede akong magkagusto sayo!"
"Tangina naman!"
"Hindi ko rin maintindihan anak bakit sa lalaking yan kapa nagkagusto!"
"Dad!"
"Pero kung gusto mo talaga, ibibigay ko sayo. Kahit ano"
Napangiti naman si Silvira sa sinabi ni Hulyo.
"Thanks Dad"
"Silvira!"
Napapikit si Silvira sa lakas ng sigaw ni Lours
"Wag moko sigawan babe, nandito lang ako"
Napatayo na si Lours, kitang kita ko sa mukha niya ang galit

BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasía[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy