Chapter 5

326 24 0
                                    

"Maraming salamat sa iyong kabutihan Lours. Tatanawin ko talaga itong uta---"

"Sabi ko ayos lang. Wala kang utang na loob. Pinasakay lang naman kita sa bangka ko."

Napakabait naman ng lalaking ito. Kaninong anak kaya ito? At ano nga bang pakialam ko?

"Ah, eh salamat parin, sige mauna na ako. Hanggang sa muli Lours."

"Taga saan ka nga pala? Ihahatid nalang kita sainyo."

"Hindi. hindi na kailangan, taga dyan lang talaga ako sa tabi tabi" sagot ko.

Nakakalungkot naman na huling pagkikita ito namin ni Lours. Na kwento niya kasi saakin na hindi raw siya taga rito kundi taga bayan siya.

Pero hinding hindi ko makakalimutan ang napaka pogi niyang mukha. Sana'y magkita kaming muli.

Ang sabi niya rin saakin ay kailangan na niyang umuwi. May kailangan raw siyang aasikasuhin sa kompanya.

Ano kaya yung kompanya? Gusto ko rin makakita ng kompanya.

"Mauna na ako. Wag kana ulit maligo sa malalim na parte ng dagat at baka kung ano pa ang mangyari sayo, nga pala ano ang pangalan mo?"

Ay oo nga pala di ko naibigay ang pangalan ko!

"Ang pangalan ko ay Amara" nakangiting sagot ko. Ang ganda kasi ng pangalan na ibinigay saakin ni ina.

"Nice name, Amara. Apelyedo mo?" Tanong ulit niya.

Hala anong apelyedo? At ano yung nice? At saka yung name?

"Ah, ha?" Hindi ko naman alam ano yung apelyedo!

"Apelyedo mo. Ano?"

"Ah, ano ba yung apelyedo?" Tanong ko.

Napanganga tuloy si pogi. Ano ba yang apelyedo na yan?!

"Apelyedo Amara. Your surname"

Mas lalong hindi ko tuloy
maintindihan. Bahala na, isip nalang ako ng apelyedo

Ano bang pwede i-apelyedo....

"So your name is Amara...what?"

Ano nga ba? Bakit hindi ako binigyan ni ina ng apelyedo huhuhu. At ano ba yang name? At bakit kasi hindi kasali ang salitang engles sa pagsasanay ko

Bahala na nga

Ah Amara.....

Amara.....

Ah Alam ko na!

"Amara Barakuda!"

At nangunot ulit si pogi

...

SUMAKAY na si Lours sa isang sasakyang itim. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa sasakyan na yun. hindi ko naitanong.

"Good bye Amara, see you again" Pagpaalam niya.

Kumaway lang siya sa bintana ng kanyang sasakyan.

Kumaway nalang din ako pabalik kahit hindi ko alam ang ibig sabihin nung sinabi niya.

"Paalam din Lours!" Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanyang sasakyan hanggang sa ito na ang kusang nawala.

Naglakad lakad ako dito sa dalampasigan at hinanap ang bahay ni aleng Helena.

Sabi saakin ni ama malapit lang daw sa isla na to ang bahay niya. magtatanong tanong nalang ako

Ayun sakto may paparating!

Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon