Chapter 23

212 10 0
                                    

"Sige ihatid mo muna siya, at bumalik agad kayong dalawa ha, kayong dalawa ang kakausapin ko"

Nakakakaba huhuhu!

Alam ko namang mabait ang mama ni Lours pero iba parin ang usapan.

"Sige Ma, saglit lang to"

"Uy! Ba't ang tahimik mo?"

Sinasabayan ako ni Lours maglakad, oo nga't kanina pa ako tahimik, iniisip ko kasi kung ano ang pag uusapan. Sabi ni ma'am Silva ay pati ako daw ay kakausapin kaya iniisip ko ano ang topic niya.

Hindi kaya paghihiwalayin kami ni Lours?

Huhu! Wag naman sana

"Lours diba sinabi kong secret lang? Ingay talaga ng bunganga mo! At sa lahat ng sasabihan mo mama mo talaga! Nakakainis ka!"

Tahimik lang niyang tinatanggap ang mga palo ko

"Oh ano! Hindi ka magsasalita? Itigil na nga natin to!"

"Tatahimik ka oh hahalikan kita? You choose."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw kasi! Palagi nalang!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo, ayokong magsinungaling oh magtago ng kung ano kay mama. Lalo na ikaw, Dapat nga ipagmayabang kita pero dahil gusto mong sikreto lang ang tayo edi pagbibigyan kita. Pero hindi ko kayang sabihin na kaibigan kita sa harap ni mama, buti nga nililigawan lang ang sinabi ko hindi asawa"

Nauna ng maglakad si Lours, nakatayo parin ako habang kagat kagat ang labi ko

Hindi ko alam pero kinikilig ako

Lours kasi eh parang tanga!

Naabutan ko si Lours na nakikipag usap sa iba ko pang kasamahan, nasa likod niya lang ako nakikinig.

"Ahh, sige Sir. Kami na ang bahala kay Amara"

"Thank you manang, and where's Terri?"

At bakit niya hinahanap?

"Nandun sa likod Sir, kakausapin niyo po?"

"Yeah, thanks again nang."

"Walang ano man Sir"

Agad pumunta si Lours sa kwarto ni Terri, nasa likod kasi ng kwarto namin ang kwarto niya

Hindi ako napansin ni Lours kaya pasimple ko siyang sinundan.

Pero hindi ako makalapit dun, may alambre kasing nakaharang, may paraan naman para makalapit sa kanina pero yun ay kung gusto mo mahuli, nasa tapat kasi ng pintuan ni Terri so kung dun ako magtatago ay makikita ako.

Kaya no choice kundi magtiis dito, kailangan ko lang talasan ang pandinig ko, medyo malayo layo kasi sila.

"Hey Rie, how are you?"

Tumaas agad ang kilay ko. At bakit niya tinatawag si Terri sa nickname niya? Si Terri naman ay ang laki ng ngiti.

Mas lalo lang umusok ang ilong ko

Nung tinawag ko kasi si Terri sa nickname niya ang sabi niya saakin "Call me Terri, oo at kaibigan kita Amara pero hindi ako pwedeng tawagin sa nickname ko"

Tapos pag si Lours ang tatawag ang laki ng ngiti niya? May tinatago rin palang landi ang babaeng ito!

"I'm still fine Lours, konti lang din naman ang mga ginagawa ko"

At bakit Lours ang tawag niya?

Close sila?

Edi wow! Tangina! Mag ce-celebrate ako mamaya.

Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon