"Oh bakit ka umiiyak? Dahil ba inasar kita?"
Nilapitan agad ako ni Lours at pinunasan ang luha ko.
Bakit ba ako umiiyak? Ang OA ko na talaga.
"Hindi naman, may naisip lang ako" hinayaan ko lang siyang punasan ang luha ko.
"Sigurado? Sorry naman, malay ko bang iyakin ka"
Natawa nalang ako.
"Gago. Hindi nga, may iniisip kasi ako"
"At ano naman yan para iyakan mo?"
"Wala lang, OA lang talaga hihi"
Inipit ni Lours ang pisngi ko gamit ang mga kamay niya at nilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko.
Hala shet na malagkit..
Hahalikan ba niya ako? Choss imagine.
"L-lours? B-bakit?"
Bakit ba ako nauutal? As if naman hahalikan niya talaga ako, ako na katulong? Hahalikan ng isang mayaman at gwapong si Lours? Lol imagination ko ang limit.
"Wala lang, cute mo kasi."
Ehe, pereng tenge to!
"Alam ko, para kang tenge."
Kasalanan talaga to ni aleng Helena, ang landi ko na tuloy. Tinuturuan niya kasi ako.
"Tsk. Kilig ka naman"
Oo kinikilig ako pero syempre hindi na ako tanga tulad ng dati kaya hindi ko sasabihin.
Bakit ba siya ngingiti ngiti? Ang gwapo tuloy.
"Tsk. Hindi ako kinikilig, asa ka."
Pinipigilan ko talagang wag tumili, kanina pa kasi siya naka ngiti, ay hindi pala ngiti. Smirk
Baka malaglag ang panty ko neto.
"Sus kunwari pa"
Duh!
"Duh asa ka? Bakit ako kikiligin sayo?"
Hindi niya ata nagustuhan ang sinabi ko, kumunot kasi ang mukha niya.
"Sigurado ka?"
At siya naman ang naka taas ng kilay ngayon
"Oo, siguradong.sigurado."
Hala patay, nag beast mode siya
"Joke lang Lours eto nam--- hmmm"
What the pak!
E-eto ba ang kiss?
Kiniss ako ni Lours..
He is kissing me passionately.
Choss straight english
Pero OMG is this for real?
Choss straight english ulit
"Hindi parin ba?"
Oh paks
Ihhhh, naiihi ako sa kilig.
"H-ha? B-bakit mo ginawa yun?" Kunwari galit ako, kumunot pa ang noo ko.
"Kanina nag kunwari kang hindi kinikilig ngayon naman kunwari hindi mo gusto, hahalikan ba ulit kita? Hmm Amara?"
BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasy[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy