Lours' POV
Nagising ako ng maramdaman kong nangangalay na ang leeg ko.
Pasado alas singko narin, kailangan ko pang tapusin ang pinapagawa ni papa.
...
"HEY Babe, how are you doing?" Tanong agad ni Silvira pag pasok niya palang ng pinto.
Nakakagulat ang biglaan niyang pagdating.
Yeah babe ang tawag niya sakin. Nung una nagulat pa ako kasi para sa magkasintahan lang ang tawagan na yun pero ngayon nasanay narin.
"Maayos naman, ikaw kamusta ang pag aaral mo? At kamusta ka sa Makati?" Tanong ko.
Dalawang buwan din kaming hindi nagkita ni Silvira kasi nasa Makati siya nag aaral, mas pinili niya dun.
Agad naman siyang lumapit saakin at hinalikan ako sa labi, nakakagulat at nakakataka talaga ang mga kinikilos niya pero binabalewala ko nalang.
"Somehow it's fine, by the way sorry for not visiting you here for about two months ago, I'm kinda busy on Makati, so kamusta ang trato sayo ni dad? Umasenso naba?" Pabirong tanong ni Silvira.
"Hindi pa umasenso, pero darating din tayo dyan, kailangan ko lang magsikap ng konti."
Konti nga ba?
Oh baka kahit anong gawin ko hindi na talaga mababago ang trato ni papa saakin, pero hindi ako mawawalan ng pag asa
"You can do it babe, ikaw pa." ani niya.
Sana nga Silvira, Sana nga
"Maraming salamat Silvira, pero sana nga" at umupo na ulit ako para tapusin ang ginagawa ko.
"You're still working? Did I bother you?" Tanong niya.
"Malapit narin naman ito Silvira kaya ayos lang" kahit ang totoo ay kakaumpisa ko palang, pero ayaw kong sabihin kay Silvira iyon, baka isipin niyang naabala niya ako kahit hindi naman talaga.
"So how about a date? Kwentuhan lang since ang tagal nating di nakapag usap."
Yari! Kailangan ko pang tapusin ito, pero nakakahiyang tanggihan si Alvira
"Oh sige ba, Basta libre mo ha"
pabirong sabi ko sakanya.Silvira chuckled. "sure, my treat."
...
"SO wala ka pang girlfriend?" Silvira asked.
"Tulad ng sabi ko Silvira, wala akong panahon sa mga ganyang bagay bagay, masyado akong lulong sa trabaho, atsaka wala parin talaga akong balak sa ganyang bagay Silvira." Sagot ko.
"Oh I see, good for you" She said smirking.
I smell something fishy..
"Good for me?"
"No, what I mean is, mas mabuti yan para makapag concentrate ka sa trabaho mo and besides ang dami mo pang pangarap diba? And balak mo pang ipa proud si papa sa mga gawa mo, so good for you"
Ow?
"Ah, yun pala, maraming salamat"
She had a point.
...
"MARAMING salamat sa pag libre Silvira, hayaan mo sa susunod ako naman manglibre sayo"
Nandito na kami sa tapat ng condo ni Silvira, hinatid ko siya dito para man lang bayad sa kabutihan niya.
BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasy[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy