"Oh Amara gising kana pala, tamang tama luto na ang kare kare"
Ala otso na pala ng gabi, tatlong oras pala akong natulog. Marahil pagod ako kaya naabutan na ako ng gabi.
"Hindi niyo po ako ginising aleng Helena, gabi na pala" umupo ako at nagsandok na ng kanin.
"Alam kong pagod ka kaya hinayaan lang kita"
Hindi na ako umimik at nagsimula ng kumain.
Kamusta kaya si Lours?
Aish!
Hindi ko na dapat siya alalahanin, alam ko namang nasa maayos na kalagayan siya. Nandon din ang pamilya niya kaya wala akong dapat ikabahala.
"Nga pala aleng Helena, anong oras ang alis ko bukas?"
Mas gusto ko nga sana maaga, para mapadali ang pag alis ko.
"Bukas ng hapon hija" sagot niya.
Ano?
"Po? Hapon pa? Pwede naman po sigurong umaga aleng Helena, oh kaya tanghali"
Ang tagal naman ng hapon.
"Oh? Bakit nagmamadali ka aber? Huminahon ka dyan, makakauwi ka rin"
Hindi pwede to, hindi sa nag a-assume ako pero paano kung hanapin ako ni Lours? Ako ang kasama niya bago mawalan ng malay at nakita pa niya ang buntot ko. Baka paggising niya ipahanap niya agad ako oh ipagsasabi na Serena ako at ipapahuli at---arghhhh!
"Oh overthink kana naman?"
Aish!
"Basta bukas ng hapon hija makaka uwi kana"
Sumang ayon na lang ako, wala akong ibang panghahawakan, kaya magtitiwala nalang ako kay aleng Helena.
Naghugas na ako ng mga pinagkainan namin at pumasok na sa kwarto ko.
Ano naman kaya ang mangyayari bukas?
Kakagising ko lang kaya nakakagulat na nakatulog agad ako.
...
KINABUKASAN maaga akong nagising, naunahan ko si aleng Helena.
Sinadya ko talagang gumising ng maaga para maglakad lakad sa dalampasigan.
Pinilit ko namang wag mag isip tungkol kay Lours pero matigas talaga ang utak ko.
Hindi ko kayang hindi siya isipin ngayon lalo na't ito ang lugar kung saan kami unang nagkita.
Ngumiti ako ng mapait
Lours...
Bakit kaya kami nagkakilala?
"Sa aking pag alis, bitbit ko ang alala mo. Aking mahal.."
Hindi ko nga alam kung makakabalik ba ako dito pag umalis ako.
Masyado na talaga akong OA, hindi naman ako ganito dati
"Kung saan saan kita hinanap nandito ka lang pala."
Parang may sariling bibig ang puso ko, ang lakas kasi ng tibok, parang may sinisigaw.
At alam kong pangalan ng lalaking nasa likod ko ang pinagsisigawan nito
"Bakit wala ka sa ospital? Akala ko pa naman binabantayan mo ako."
Oh Lord!
Unti unti ng nagsilabasan ang mga luha ko
BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasi[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy