Nagising nalang ako ng tumama saakin ang sikat ng araw, ang sakit sa balat!
"Aleng Helena? Asan po kayo?" Naglakad ako patungong kusina at dun ko natagpuan si aleng Helena.
Maliit lang naman itong bahay na ayun kay aleng Helena ay kubo daw ang tawag kaya mabilis ko lang siyang nahanap.
"Oh Amara gising kana pala. Halika na at mag eat na us"
Tiningnan ko ang mga nakalapag sa hapag at ni isa ay hindi pamilyar saakin.
Ito ba ang pagkain ng mga tao? Ano naman kaya ang lasa nito?
"Ah aleng Helena ano po ang tawag sa mga pagkain na ito?" Tanong ko.
"Ito iha" tugon niya dun sa itim na pagkain. Hala sunog ata ang pagkaluto ni aleng Helena! "Ang tawag dito ay tortang talong"
Ano daw? Parang turtle. Yung pagong. Naalala ko pa kasi ang engles ng pagong.
Gusto ko sanang sabihin kay aleng Helena na sunog ang luto niya nguni't makukonsensya lang ako pag nalungkot siya.
Nagpatuloy na si aleng Helena sa pagsabi ng pangalan ng mga pagkain.
"Itong pangalawa naman ay bagoong" bat maitim rin? Sunog rin iyon?
"Ito namang pangatlo ay kare kare, yummy yan iha kaya kumain ka ng marami" mukhang masarap nga ang kare kare. Ito ata ang pinakamasarap sa tatlo.
Nagsimula na akong magsandok ng kanin at kare kare
Ang sarap!
Tunay ngang masarap ang kare kare. Kawawa naman si Amira at hindi niya matitikman ang ganito.
Naalala ko bigla si Amira, miss ko na ang aking kapatid
"Amara. Para mapalapit ka kay Hulyo De Madrigal ay kailangan mong mag aply sa isa sa kompanya niya, mas mapapadali yon"
Napatigil ako sa pagkain. Kompanya? Katulad nung kay Lours? Gusto ko yun!
"Anong aply aleng Helena?" Tanong ko.
Konti pa lang ang naituro ni aleng Helena saakin na engles at hindi kabilang doon ang aply. Kahapon naituro niya saaakin ang salitang
I love you na ang ibig daw sabihin nun ay mahal kita at yung I miss you ay namiss kita
at good morning, good night at good afternoon, at you are my Sunshine, my only sunshine, you make me happy at kung ano ano pa."Aply Amara. Mag tatrabaho ka sa kompanya ni Hulyo De Madrigal, yun lang ang mas mabilis na paraan."
"Hindi ko po alam kung ano ang gawaing kompanya aleng Helena" ni hindi ko nga alam ano yung kompanya.
"Tuturuan naman kita iha. Magiging impleyado ka sa kompanya ni Hulyo ng sa ganon ay mapalapit ka sakanya" impleyado?
"Makaka asa kang gagalingan ko aleng Helena" nakangiting sagot ko.
Kaya ko ito!
"Alam kong magagawa mo yan iha"
"Maraming salamat po aleng Helena"
"Oh siya bilis na dyan at tuturuan pa kita paano maging ganap na impleyado"
"Opo, malapit na rin akong matapos" konti nalang rin ang kanin sa aking pinggan kaya dali dali ko na itong nilamon at tumayo
"T-tapos kana?" Hindi ata makapaniwala si aleng Helena sa bilis kong kumain
"Opo tapos na. Sanayin niyo na po ako!"
Hindi ako makapaghintay na makita si Hulyo De Madrigal. Baka nasakanya talaga ang prinsesang matagal ng nawawala
At saka..Gusto ko rin malaman kung ano ang kompanya!
BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasy[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy