Chapter 15

213 15 0
                                    

Nasa malalim na parte na kami, ramdam na ramdam ko na ang buntot ko na paparating na

Lours, tanggapin mo ako Lours, pakiusap....

"We're here Amara, tuturuan kitang lumangoy kaya nandito tayo sa malalim."

Agad akong bumitaw sa pagbuhat ni Lours at lumusong sa ilalim.

Nandito na ang buntot ko, hindi mahahalata ang luha ko dito sa ilalim.

Maya maya pa ay sinundan ako ni Lours.

Kung hindi man ako matatanggap ni Lours ay mawawalan na ako ng pag asang ipagtapat ang nararamdaman ko.

Lours....

Napangiti nalang ako habang umiiyak.

Nalala ko bigla yung pag uusap namin ni aleng Helena isang buwan ang nakalipas.

"Aleng Helena hindi ko po maintindihan ang puso ko, puso ko naman sana ito pero bakit parang kumikilos siya mag isa?"

"Bakit hija? Anong hindi mo maintindihan?"

"Yung katulad po ng pagramdam ng bagong emosyon, yung katulad ng pag aalala, isang beses ko lang po naranasan mag alala, nung natagalan si ama sa mundo ng mga tao, pero ngayon madalas na akong mag alala"

"Sino ba iyan hija? Sino ba ang taong pinag aalalahanan mo?"

"Yung anak ni Hulyo aleng Helena, yung na kwento ko sayo na pinasakay ako sa kanyang munting bangka, hindi naman kami magka ano ano, hindi ko rin siya kadugo, bakit nag aalala ako sakanya?"

"Alam mo hija, hindi iyon basehan sa dugo, hindi yon basihan kung magka ano ano kayo, kapag mahalaga sayo ang isang tao ay mag aalala at magmamalasakit ka talaga sa taong yon"

"Ahh oo po, mahalaga narin saakin si Lours, pero hindi lang yun aleng Helena, meron pang iba"

"Oh ano naman iyon?"

"Bakit pag may kausap siyang ibang babae at nginingitian niya ay bat parang masakit sa dibdib ko, hindi ko naman inutusan ang dibdib ko na masaktan, bakit gumagawa ito ng sariling disisyon?"

"Hija, hindi mo mauutusan ang puso mo, gagawin at susundin niya ang tinitibok nito, hinding hindi mo ito mapipigilan, at yung sinasabi mong masakit sa dibdib pag nakikita mo siyang may kausap na ibang babae ay selos iyon hija"

"Ano po yung selos?"

"Ang selos ay isang pakiramdam, pakiramdam na masakit, pakiramdam na ayaw mong maramdaman ulit"

"At bakit naman po ako magseselos?"

"Dahil ang lalaking yan ay iyong pinupusuan"

"Po? Imposible po!"

"Sa ayaw mong tanggapin hija ay pag ibig yan, nagseselos ka kasi umiibig ka, nagseselos ka dahil mahal mo siya"

"P-pero bawal iyon aleng Helena, ano nalang ang sasabihin ni ama at ina?"

"Minsan hindi na natin kailangang problemahin ang sasabihin ng ibang tao, anong magagawa nila? Eh umibig kana, gaya ng sinabi ko hindi mo man ginusto ang nangyayari pero yan ang disisyon ng puso mo ay wala kang ibang magagawa kundi sundin ito"

Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon