"Sa ngayon tuturuan muna kita paano buksan ang lagusan" pagpatuloy ni pinuno.
"Papasukin ko ba ang mundo ng mga tao pinuno?" Parang ganun na kasi ang pinupunto niya.
"Oo Amara, ikaw ang naatasan ni haring Escal sa misyon na ito"
Ano raw?
"Misyon? Anong misyon iyon pinuno?" Tanong ko.
Si haring Escal ang pinuno ng buong angkan ng mga sirena.
"Sa ngayon ay hindi mo pa maaring malaman kung ano ito. Magsasanay ka muna"
Hindi ko maintindihan. Ang akala ko sasanayin ako dahil ako ang mamumuno sa angkan namin sa darating na panahon
"Wala ng tanong tanong Amara, kailangan na nating magsimula"
Wala talaga akong maintindihan para saan lahat ng sasanayin ko, wala ring sinabi si ina saakin tungkol dito.
"Kukunin ko lang ang mga mahika sa taas, magbasa basa ka muna ng mga libro dito" pagpapaalam ni pinuno.
Naghalungkat ako ng kung ano anong libro para man lang kahit papaano ay may ediya ako kung ano ang gagawin ko
"Ang ganda ng librong ito?" bulong ko sa sarili ko
Salitang engles pala.
Binuklat ko ang libro at nagsimulang magbasa.
"Mermaids are not merely creatures of myth and legend. They are more than an old wives tale but are reduced to***" Pagbabasa ko.
Ang galing, nababasa ko ang salitang engles pero wala naman akong maintindihan
"Amara"
"Oh crab!" Nakakagulat naman si pinuno.
"Anong salita ang iyong tinuran?"
Bakit ba ang lalim nila mag tagalog, sila itong nakasalamuha na ng tao pero ako itong mas maayos magsalita
"Wala iyon pinuno. Paumanhin, nanggugulat ka kasi"
"Ipagpaumanhin mo kung nagulat kita Amara, halika na at magsisimula kanang mag sanay"
Dinala ako ni Pinunong Marcus sa isang silid.
Ang silid na ito ay napakaraming libro.
"Ito Amara hawakan mo" Ani niya.
Isang bote na may lamang berdeng likido
Ito ata ang gagamitin para makagawa kami ng paa ng isang tao
Nag simula ng mag halo ng mahika si Pinunong Marcus at may binubulong din siya na tanging siya lang ang nakakaalam kung ano man yun
"Yan Amara, haluin mo yan" sabay turo niya na asul na likido
Ginagaya gaya ko lang paano maghalo si Pinunong Marcus at agad ko namang nakuha ito
"Magic spell, magic spell..."
Ano raw? Engles ang salitang yun kaya hindi ko maintindihan
Marami pang sinabi si pinuno na engles pero ni isa wala akong maintindihan
Oh crab lang ang tumatak sa utak ko na tinuro saakin na naalala ko
...
ILANG oras narin kaming gumagawa ng mahika, paunti unti ko ng natututunan.
Ang sunod na tinuro saakin ni pinuno ay ang iba pang mahika ng mangkukulam.
Alas sais na ng gabi ng matapos kami kakagawa ng mahika. Marami narin akong natutunan at pagod na pagod na ako, gusto ko na mag pahinga.

BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Фэнтези[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy