Naghilamos muna ako ng mukha, ayokong lumabas ng yugto ang mga mata.
"Hello? Who the fuck locked the door?!"
Shet ang bruha!
Bumuntong hininga muna ako ng malalim bago binuksan ang pintuan.
"Who the fuck---"
Yumuko lang ako, hindi naman sa hindi ko siya kayang kalabanin pero dahil ayoko makipag away, bruha ang babaeng ito at alam kong malakas ito manabunot.
"Oh, hey there. Well, well, well, buti nalang pala at naisipan kong pumunta ng restroom, ikaw pala ang bubungad sakin dito. At least diba, makakapag usap na tayong dalawa ng wala ang 'fiance' ko, baka kasi magpa awa effect ka sakanya, at malason siya, so kakampihan ka niya."
Ni lock niya ang pintuan saka bumaling ulit ng tingin sakin.
"Diba sinabihan na kitang lumayo ka! Anong ginawa mo? Talagang nilandi mo ulit ang 'fiance' ko! Ganyan kana ba ka kati? Pero wag kang mag alala. Marami akong kilalang lalaki, sampo yun, ibibigay ko sayo lahat ng mawala nayang kati sa katawan mo!"
Isang malakas na sampal ang natanggap niya sakin.
Dapat lang sakanya, sumusobra na siya!
"Una sa lahat, nagpaka layo layo talaga ako. Pero sadyang patay na patay saakin si Lours kaya sinundan niya ako, hindi ata siya nakatiis, miss na miss niya siguro ako"
Nakita kong nagtagis ang mga ngipin ni Silvira.
Papainggitin kitang bruha ka
"Pangalawa, kung meron mang makati saating dalawa ikaw yun. Pati sarili mong kapatid sinusulot mo!"
"How dare you!"
"I dare you." diin na diin ang pagkasabi ko.
Ganyan dapat Amara, lumaban ka
"At pangatlo, wag kang assuming na fiance mo siya dahil hinding hindi siya papatol sa isang haliparot na katulad mo! Ako ang asawa niya! Ako!"
Lalabas na sana ako pero hinila niya ang braso ko
Aray!
"You are a bitch!"
Matalim ang tingin namin sa isa't isa, hinding hindi ako papatalo.
"Yes I am a bitch" at mas nilapit ko pa ang mukha ko sakanya "and you are a SLUT"
"How dare you!"
Aray!
"Aray ano ba! Bitawan mo ako!"
Pikon ang bruha, sabunutan ba naman ako. Ang sakit ng anit ko huhuhu
Mahal ko, help!
"Maglaho kana! Wag kanang magpapakita samin! Sinisira mo kami!"
"FYI! Wala akong sinisira! Kasi wala namang kayo!"
Oh no..
Sana may shower na kami, may bath tub dun at may lamang tubig.
Nawa'y wag akong mapunta dun
"Bitawan mo ako Silvira huhu! Maawa ka!"
Hindi naman ako magmamakaawa kung anit lang, sa taas ba naman ng pride ko magmamaka awa ako?
Malapit na kasi ang sa bath tub, at isang tulak niya lang ay-- Ahhhhhh
Shet, wag naman sana
Lours mahal ko....tulong
Nararamdaman ko na ang buntot ko
Tatayo na sana ako pero hinila ako ni Silvira at tinulak ulit papuntang bath tub.

BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasia[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy