Tatakbo na sana ako ng biglang hinila nung lalaki ang mga kamay ko.
"Look miss, I'm so sorry. I didn't mean it"
"Hindi kita maintindihan, at bitawan mo ako!" Ang lakas niya. Kanina ko pa hinihila ang kamay ko sakanya pero ayaw niya talagang bitawan.
Yung hasang ko abot hanggang tuhod na!
"Kailangan ko na po talagang umalis!" At nilakasan ko ang paghila ko. Hindi ako nabigo, nabitawan niya ang kamay ko kaya mabilis na akong tumakbo.
Umakyat ako sa hagdanan at nagtungo sa isang kwarto.
Naka bukas kasi ang isa sa mga kwarto kaya doon ako nagtungo.
"Ano ba yan Amara!" Naiinis na ako sa sarili ko.
Muntik na yun. Ay muntik ba talaga? Eto na nga at palala na ang hasang.
May taong paparating sa kwarto kaya agad akong nagtungo sa C.R
C.R daw ang tawag dito sabi ni aleng Helena. Dami ko ng alam ah!
Sinarado ko na ang pinto at naghihintay sa paparating
"Maraming salamat Silvira ha"
Pamilyar ang boses...
"No problem, Basta pag may kailangan ka tawagan mo agad ako"
"Sige salamat ulit, saan ka pala pupunta?"
Kilala ko ata ang boses na yun
"Condo. I have so many paperworks to do"
"Oh sige mag iingat ka Silvira"
"Ikaw din, maligo kana pagkatapos ay bumaba na para mag lunch okay?"
"Oh sige sige, paalam"
Wala ng boses
Teka maligo?
Pakshet! Ibig sabihin dito sa C.R ang punta niya?
Kailangan ko magtago!
Lumabas narin ang buntot ko kaya gumapang nalang ako papunta sa may kurtina. Kurtina daw ang tawag dun sabi ni aleng Helena, meron kasing kurtina sa kubo niya.
Bumukas na ang pinto.
Sigurado akong nandito na siya sa loob. Kabang kaba na ako!
Unti unti naring bumabalik ang paa ko, nasabi saakin ni aleng Helena na saglit lang ang buntot at babalik na ulit sa pagiging paa
At eto nanga bumalik na ang mga paa ko
Problema ko nalang ngayon ay kung paano lumabas
Hubu't hubad ako.
Huhuhu!
Bigla nalang bumukas ang kurtina.
Hala....
Nakadilat lamang ang mata ko.
Nagulat din siya.
Lours..
Si Lours...
Kaya pala pamilyar ang boses
"Shit!"
Tinakpan niya agad ang mata niya.
"A-amara? Is that you?"
Hindi ako kinakabahan dahil nahuli niya ako, kinakabahan ako dahil wala akong maisagot sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasy[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy