Chapter 10

242 16 3
                                    

"Taga rito ka pala Lours?" Tanong ko.

Kakatapos ko lang linisin ang hallway at nandito na ako sa veranda nakikipag usap kay Lours. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ako makapaniwala na taga rito nga siya, ibig sabihin nun ay mayaman siya. Isa pala siyang datu.

"Oo Amara, taga rito nga ako, nakakagulat ba?"

"Oo eh, hindi naman kasi halata na mayaman ka, ang simple mo kasing tao"

Natawa siya.

"Hindi naman talaga ako mayaman Amara, kela papa ang bahay at yaman na to hindi sakin, nakitira nga lang ako."

Eto ang nakakagusto kay Lours, hindi niya ipinagmamayabang ang kung ano mang meron siya.

"Kahit na uy!"

Nagaya na tuloy ako kay Terri. May pa 'uy' na ako.

Natawa nalang siya.

Natigilan kami sa pag uusap ng may taong paparating sa dereksiyon namin.

"Hey babe, Let's eat outside again? My treat again" Natatawang sambit nung babae.

Napalingon saakin ang babaeng biglaang sumulpot.

Hindi ko alam ano ang pinapahiwating ng tingin niya pero sa palagay ko hindi niya ako gusto?

"And... Who is she?" At tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ahh, si Amara, isa sa katulong dito sa bahay. Kaibigan ko. Amara eto nga pala si Silvira, kapatid ko"

"Magandang umaga po" yumuko ako bilang pag galang.

Tumango lang siya ng isang beses bago hinarap ulit si Lours

May galit ba to sakin?

Dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatan makinig sa usapan nila ay pasimple na akong umalis, hindi rin iyon napansin ni Lours kasi nakatingin siya dun kay Silvira.

Kailangan ko ng kumilos ngayon.

Nasabi kasi saakin ni Terri ang direksyon kung saan ang opisina ni Hulyo kaya agad ko itong tinungo.

Ang daming kwarto rito, nagpa sikot sikot tuloy ako.

"Amara!"

Ay barakuda!

Nilingon ko si Lours

Buti hindi niya ako nahuli, bubuksan ko na kasi sana ang kwarto ni Hulyo

"Ay nagulat kaba? Pasensya na"

"Hindi ayos lang, nga pala tapos na kayo mag usap nung kapatid mo?" Tanong ko.

"Oo, May pinag usapan lang kami. Umalis ka naman ka agad"

"Ahh ehh, kailangan para makapag usap kayong dalawa." Sagot ko. Tumango lang din siya.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Ahh, d-dito na ako maglilinis"

"Hindi ba sinabi sayo ni Terri na hindi pwedeng pasukin ang kwartong yan?"

Bigti!

"Ahh oo nasabi niya pala sakin" Tumawa ako para maibsan ang katungalan "Makakalimutin kasi ako.. sige Lours bababa na ako, maglilinis na ulit"

Maglalakad na sana ako ng bigla niyang hinuli ang pulso ko.

"A-ah Amara samahan mo muna ako, ipapasyal lang kita."

Kumislap agad ang mata ko, kahit hindi ko naman talaga alam ano yung pasyal

"Sige ba!"

...

Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon