"Sige na titingnan ko lang, hindi ko masyadong nakita nung araw na yun kasi nahimatay ako."
"Ayoko nga."
"Sige na.." nag pout pa ang loko.
Kanina pa kami nagtatalo dito, gusto kasi ni Lours makita ulit ang buntot ko.
Kanina nag usap na kami, at tanggap ni Lours ang pagiging Serena ko, hindi lang daw siya makapaniwala nung una
Kilig sa maling akala again and again and again and again
"Serena ako Lours.."
"And so?"
"Anong and so?"
"Wala, Sabi ko ang ganda mo"
"Seryoso Lours Serena ako!"
"Woah!"
"Seryoso kasi!"
"Tanggap kita Amara....kahit ano ka pa"
"Ayoko sabi!" Pinandilatan ko na pero hindi parin natinag, tinawanan pa ako
"Sige na sige na!" At ngayon naman nagpapapadyak siya
Anong nakain neto at naging isip bata?
Yung kare kare ata
"Sige na mahal..."
Eto na naman siya, kaya ang rufok ko eh!
"Basta ayoko!"
Patigasan nalang kami.
"Ikikiss kita pag naging Serena ka"
Putakte!
Alam na alam niyang hayok ako sa kiss niya.
"Ayoko pa rin"
"Sure na? This time lalaliman ko na ang halik" nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko "hahalikan kita sa labi pababa..."
Shutaaaa!!!
...
"TINGNAN mo muna dun baka may napadpad dito, Makita pa ako"
"Wala, walang tao. Sige na!"
Lumusong na kaming dalawa ni Lours sa dagat
So pumayag ako sa deal niya
Syempre sinong hindi
May kiss ako mamaya hihi
Nasa malalim na parte na kami, yung hanggang sa leeg lang ni Lours.
At nandito na nga ang buntot ko.
Lumangoy langoy ako para makita ni Lours ang kabuoan ko
"Woah!"
Ngayon naman ay lumusong ako sa ilalim ng dagat, sumunod naman agad si Lours
Malinaw na malinaw ang kulay ng dagat kaya nakikita niya ako sa ilalim ng dagat
Manghang mangha siya sa paglangoy ko
...
Minuto rin ang lumipas ng mapagod ako, simula ng maging tao ako ay ang bilis ko ng mapagod.
Si Lours naman ay pinapalangoy ulit ako, siya itong tao saaming dalawa pero ako itong mabilis mapagod
"Wow! Ganda nun"
Na amazed talaga siya sa paglangoy ko
Nakaupo kami ngayon sa dalampasigan, papahinga muna kami bago bumalik sa kubo.
![](https://img.wattpad.com/cover/289828479-288-k669567.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasy[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy