"Lours ano nga?"
Kanina ko pa kinukulit si Lours kung ano ang ibig sabihin nung sinabi niyang engles kanina, pero ayaw niya talagang magsalita.
"Wala nga yun, kulit neto"
Aish! .Eto na naman siya, wala daw
"Ahuhu, sige na" ewan ko kung ano ang hitsura ko ngayon basta nagpapa awa ako para sabihin niya yun.
Bat nga ba lagi kong tinatanong? Paano kung wala lang talaga yun?
Ays! Bahala na nga!
Nakarating na kami sa mansion.
"Hala Lours baka hinahanap ako nila Terri"
Nakalimutan kong magpaalam kanina bago umalis.
"Hindi yan, sinabi ko na sakanya na ilalabas kita"
Buti naman.
Bawal kasing umalis ang mga katulong sa bahay ng hindi nagpaalam, lalo na sa gitna ng trabaho.
Nasa may garahe na ako ng biglang hinawakan ni Lours ang kamay ko.
"Nag enjoy kaba Amara?"
Huh?
"Anong enjoy?"
Tumawa siya.
"Sige ibahin ko nalang, nagustuhan mo ba ang pasyal natin?"
Kumislap agad ang mata ko ng maalala ko ang pasyal namin kanina, ang saya nun! Bago lang sa buhay ko ang pasyal, wala namang pasyal sa ilalim ng karagatan.
"Oo Lours ang ganda! Sana maulit yun"
"Of course, ipapasyal ulit kita Amara"
"Hala maraming salamat Lours! Di na ako makapaghintay!"
Kanina pa talaga ako tinatawanan ni Lours.
"Hey babe, Did Jeanaiyah bothered you?"
Si Silvira!
Yumuko ako.
Bigla bigla talagang sumusulpot ang babaeng to.
"Hey sis, kanina ka pa?"
At nag uusap ulit sila, hindi na ulit ako napansin ni Lours.
At hindi ko alam bakit malungkot ako..
"Naisip ko lang naman, but please tell me if she's bothering you okay?"
"Wala kang dapat ipag alala Silvira"
Napalingon saakin si Silvira.
Hala naagaw ko ang atensyon nila, sana pala umalis nalang ako. Medyo pait pa naman ang ugali niya saakin. Ramdam ko yun.
"Hey miss, are you eavesdropping?" Tanong niya.
"H-ha?"
"Wag mo sungitan Silvira, kaibigan ko siya, she's not eavesdropping"
"Oh, I'm disappointed. Kinampihan mo siya"
"What? I'm not siding her Silvira, I'm just saying that she is not eavesdropping, kasama ko siya bago ka pa dumating, okay?"
Pinapakalma siya ni Lours, bakit kaya? Hindi ko naman kasi maintindihan. Basta ang alam ko ay galit saakin to.
"I am disappointed Lours.." Hindi ko alam bakit ganun ang mukha niya, parang kanina ang bagsik niya tapos ngayon parang maamong tuta. Haler?
Nagpapa awa ba siya?
"Come here Silvira, I am not siding any of you, okay? Don't be sad, I am just stating the fact."
![](https://img.wattpad.com/cover/289828479-288-k669567.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasy[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy