WARNING! SPG|R-18
.
_______
.
.
"Oh? At saang lupalop kayo pumunta? Bakit natagalan?"Bungad agad samin ni aleng Helena pag pasok palang namin sa kubo niya.
"Nandun po sa dalampasigan, nahihiya po kasi si Amara sa nahuli niyong akto kaya--- Aray! Mahal ang hilig mo ng mangurot ah!"
Pinandilatan ko siya ng mata, Gago to sabihin ba naman.
"Oh at may hiya pa pala kayo? Alam niyong kubo lang itong bahay ko, at walang pinto ang mga kwarto, gumagawa pa kayo ng kababalaghan."
Maygad pinaalala pa!
"Pagpasenyahan muna po, hindi lang ako nakatiis, ang ganda kasi ng asawa ko--aray!"
Madilim ako tumitig kay Lours.
Wala talagang hiya ang lalaking ito.
"Oh siya, wag na kayong mag talo. Pupunta muna ako sa bayan, kayo munang bahala rito ha, ng makapag solo rin kayo"
Aish! Kakahiya!
"Maraming salamat aleng Helena, buti po at nauunawaan niyong nananabik ako---aray mahal!"
"Kanina ka pa! Kakainis ka! Wala kaba talaga hiya? Prenuhan mo naman yang bibig mo!"
Napailing nalang si aleng Helena bago lumabas ng bahay.
"Mag iingat ka aleng Helena, baka di kana maka uwi"
"Shuta kang babae ka, ako? Kabisado ko na lugar dito uy, baka ikaw!"
Duh!
Sinundan muna namin ni Lours ng tingin si aleng Helena hanggang sa nawala na ito sa paningin namin.
Saka ko nilingon si Lours.
"Ikaw wala ka talagang hiya! Hindi mo ba alam paano isarado yang bibig mo?"
"Sorry na mahal, nagsasabi lang ako ng totoo"
Pa cute.
"Che! Nakakahiya!"
Pumasok na ulit ako sa kubo, kakainis!
"Mahal...."
"Oh?"
Nasa kwarto ako ngayon nakahiga habang nakatunganga lamang sa bubong. Boring!
Aayain ko sana si Lours na maglakad lakad kami sa dalampasigan pero galit ako sakanya, at kahit kailan ay mananaig talaga itong pride ko.
"Wala, may naisip lang ako"
Dali dali siyang lumapit sa kama at tumabi saakin.
"Oh? Wag mong sabihing may binabalak ka! Para ano? Para mahuli ulit tayo! At ako lang ang mahihiya! Dahil singkapal ng libro yang mukha mo!"
"Ouch! hindi makapal ang mukha ko mahal, sadyang hindi lang talaga yun nakakahiya, si aleng Helena dapat nahiya satin kasi sumilip siya-- ouch! Ang hilig talagang mangurot"
Duh!
"Ikaw kasi! Basta ayoko! Dun ka sa sala humiga! Wag rito! Kwarto ko to!"
"Sige paluin mo pa ako, hahalikan talaga kita, tas kapag sobrang lakas ng palo mo huhubaran na talaga"
Boom quite!
Tinakpan ko agad ang bibig ko, baka totohanin nito
"Pftt! Takot kana pala sa halik ko mahal, dati naman gusto mo to ah"
"Dati yun." At tinakpan ko agad ng mabilisan ang bibig ko
"tsk. Hindi kita hahalikan, wag mo ng takpan yan, di naman matamis yang labi mo"
![](https://img.wattpad.com/cover/289828479-288-k669567.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasy[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy