Chapter 3

358 32 4
                                    

Limang araw narin ang nakalipas simula ng pag usapan namin ni Luris ang tungkol sa kasal ni jeanaiyah.

And why did I bring up that topic again?

Hindi naman naging kami kaya anong pake ko?

Totoong nagulat lang ako. Hindi ako nasaktan.

Hindi talaga!

...

"KAMUSTA ang aking baby?" Pagkausap ko sa maliit kong bangka.

Kapag gusto kong gumaan ang pakiramdam ko dito agad ako dinadala ng mga paa ko.

Sa dagat.

May maliit akong bangka dito na nabili ko nakaraang taon palang

Maliit na bangka muna sa ngayon kasi yun palang ang kaya kong bilhin.

Magkaka barko din ako pagdating ng panahon

Nag alok na dati saakin si mama na siya na daw ang bibili ng barko pero tinanggihan ko.

Masyado ng marami ang nagawa ni mama para sakin. Siya din ang pumilit kay papa na ipasok ako sa kompanya. At isa pa, ampon lang ako kaya masyado ng nakakahiya kung pati ang barko kay mama ko pa ipabili.

Balik tayo sa maliit kong bangka

Sumakay na ako at agad pinaandar. Naglibot libot lang ako dito sa dagat.

Parang gusto kong pumunta doon sa malalim na banda

Wala namang nakakatakot pumunta sa malalim kasi marunong naman akong lumangoy kung sakali mang may mangyaring hindi maganda

"Sige na nga. Doon lang naman sa malalim lalim ng konti" pagkumbinsi ko sa sarili ko.

Ang ganda talaga ng dagat. Hinding hindi ako magsasawang titigan ang napakagandang dagat na ito.

Pupunta ako sa malalimlalim na parte

Mukang mas maganda ang dagat sa malalim kaya doon muna ako

...

Amara's POV

Ilang araw ang nakalipas simula ng magsanay ako. Nakakapagod at nakakabagot nguni't hindi ako sumuko. May kailangan akong alamin kaya hinding hindi ako pwedeng sumuko nalang ng basta basta.

At eto na. Tapos na ang pangalawang pagsasanay. Ang pangatlo naman ang gagawin ko

Kung papaano makisalamuha sa mga tao

Natatakot at kinakabahan ako pero alam kong kaya ko ito.

"Handa kana ba sa pangatlo Amara?" Tanong ni Pinunong Marcus

Lumalangoy kami ngayon sa gitna ng karagatan papuntang lagusan. Kasama ko si ama at si Pinunong Marcus.

Nagpaalam narin ako kanina kay ina at Amira sapagkat hindi sila maaring sumama patungong lagusan.

Ilang araw ko ng pinag handaan ito kaya wala na akong dapat ikatakot.

"Handa kana ba Amara?" Tanong saakin ni ama

"Handang handa na ama" at handa narin akong malaman kung ano ba talaga ang gagawin ko sa mundo ng mga tao.

Sabi saakin ni ama. Sa lagusan na daw niya sasabihin ang pakay namin sa lugar ng mga tao

Hindi na ako makapag hintay na malaman.

...

SA wakas ay nandito narin kami. Umupo muna kaming tatlo sa isang bato upang pag usapan ang gagawin ko.

Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon