Chapter 12

198 15 0
                                    

Author's note; Hindi po ako nag re-read at di ko na check kung may typo, pero kung meron man, sorry! And enjoy reading! Lovelots my greens!💚

________

...

Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng makita ko si Hulyo, kung tatanungin bakit ako nasaktan? Aba malay ko rin, echos lang siguro ni self.

Simula nun ay hindi na kami nagkita ni Lours, hindi narin siya umuuwi ng maaga. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero halata naman na umiiwas siya saakin.

Siya pa talaga ang umiiwas, ako itong nasaktan.

Basta ngayon natuto na ako, kaya simula ngayon ididistanya ko na ang sarili ko sakanya.

Tama rin naman siya, katulong naman talaga ako, at ang De Madrigal ang mga amo ko, at kasama dun si Lours.

Bakit ba di ko naisip yun nung una palang? Ganun naba ako katanga dati?

"Oh Amara, overthink kana naman dyan?"

Sumulpot bigla si Terri na may dalang walis tambo.

"May iniisip lang pong bagay bagay"

"Oh siya, mag linis kana, oras ng trabaho nag o-overthink ka"

Kumuha ako ng feather duster at pumatong sa isang upuan para maabot ang bintana.

Sa totoo lang ano ba talaga ang pinunta ko rito? Ba't parang katulong talaga ako, hindi na ako nakapagmanman kay Hulyo.

Next time nalang, busy ako right now chos!

...

"DITO naba aleng Helena? Sigurado kang walang tao dito?"

Nandito kami ngayon sa isang dagat, medyo malayo ito sa De Madrigal's Mansion.

Kanina kasi habang kumakain ako, ay ang putla ko, napansin rin yun ng mga kapwa ko katulong. Tinawagan ko agad si aleng Helena para magtanong at ang sabi niya, kailangan ko nagbabad sa dagat, masyado na raw matagal simula nung nasa dagat ako kaya nanghihina ang katawan ko.

Kaya andito kami ngayon sa isang dagat, sinamahan din ako ni aleng Helena, alas otso na ng gabi pero naninigurado parin ako baka may maligaw na tao dito at makita kami.

Kanina pagkatapos kong kumain ay nagkunwari akong natutulog na, ng matulog na sila Terri ay saka ako umalis ng bahay.

Putlang putla na kasi ako.

"Oo sigurado ako hija, atsaka gabi narin, hindi na malinaw sa mata nila ang buntot mo, kaya bilis na, maghugis Serena kana."

Agad ko namang ginawa ang sinabi ni aleng Helena at nag hugis Serena na nga ako

Lumangoy ako sa malalim na parte ng dagat, na miss ko to, yung ako dati na walang ibang ginawa kundi mag muni muni sa pwuerto, yung ako dati na walang alam sa mga mortal, yung ako dati na hindi nasasaktan ang puso

Yung ako dati na hindi marunong umibig.......

...

"AMARA natulog kana ba kagabi?"

Tanong ni Chi, isa sa mga kasambahay dito.

"Oo chi, bakit?"

"Nagising ako bandang alas otso, nauhaw kasi ako tapos pagtingin ko sa higaan mo wala ka"

Bigti!

"A-ah, nagpahangin ako nun, s-sige Chi balik lang ako sa trabaho"

Iniba ko agad ang usapan, alam ko namang malayong malaman niya na sirena ako pero nakakakaba parin.

Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon