Naglibot libot parin ako dito sa dagat ni hindi ko na namamalayan ang oras. Anong oras na nga ba?
Medyo malalim lalim na rin ang naabot ko. Pero hindi naman ako nangangamba.
Ang ganda talaga ng dagat.
Kanina pa ako nakatitig sa dagat pano ba naman ang ganda.
May lumalangoy
Ano yun? Isda?
Malayo layo saakin kaya hindi ko masyadong maaninag
Isda ata?
Patagal ng patagal palapit siya ng palapit
Isda o tao?
Hindi ko alam. Parang tao ang nakikita ko pero para ring isda.
Teka baliw naba ako?
Tinitingnan ko nalang muna ang paparating
Saka ko na sasabihin kung tao ba ito o isda pag nakalapit na ito sakin.
Papalapit na siya ng papalapit.
Tao?
At bigla siyang umahon..
Nagkatitigan kami...
Ang mata niya....
Naalerto ako ng bigla siyang lumusong sa tubig.
Hinayaan ko muna kasi akala ko lumangoy lang pero ilang minuto na ang nakalipas at hindi parin siya umaahon.
Ganon kataas ang hininga niya?
Oh baka nalunod na siya?
Hala shit nalunod na nga siguro!
Dali dali akong lumusong sa dagat at sinundan ang babaeng wirdo.
Wirdo na ang tawag ko sakanya kasi wirdo talaga siya. Akalain mo ba naman dito talaga naligo sa malalim na parte, oh baka magpapakamatay?
Ay bahala na! Ililigtas ko na.
At ayun nakita ko siya sa may ilalim na parte. Umahon na ako, nakita ko kasi siyang papaahon na kaya malamang hindi iyon nalunod .
Tao pala siya
Bat parang isda siya kanina?
Baliw na nga ako
"Ahaaaa" umahon siya sa harapan ko pero nakapikit pa siya kaya may pagkakataon pa na matitigan ko siya.
Bakit ang ganda niya?
Yung buhok niya ay napaka ganda at mahaba rin.
Natigil ako kakaisip ng dumilat na ang mata niya.
"Isa kang tanga Amara" bulong niya pero narinig ko naman
Sinong Amara? Siya ba?
...
Amara's POV
"Mag iingat ka anak ko" niyakap ko na si ama at nakahanda ng umalis. Bukas narin ang lagusan.
"Makaka asa ka ama" sagot ko.
Lalabas na ako sa mundo namin. Ito ang unang pagkakataon na makalabas ako kay medyo kabado.
"Aalis na ako ama" at sa huling pagkakataon niyakap ko ulit si ama. Tinanguan ko rin si Pinunong Marcus na tipid na ngiti lang ang isinagot.
...
NAKALABAS na ako. Nasa dagat na ako ng mga tao.
Ano kaya ang pakiramdam makakita ng tao? Sino kaya ang unang taong makikita ko? Sana maging magkaibigan kami ng taong yun.

BINABASA MO ANG
Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]
Fantasy[COMPLETED]✓ DE MADRIGAL SERIES #1 Halina't basahin ang kwento ng isang serena na umibig ng mortal Copyright ©green_ladyyy