Chapter 22

223 12 0
                                    

Author's note; Ang tagal bumalik nung signal guys, tagal tuloy ng update. Ilang beses ko ng na airplane mode ayaw parin ni data gumana, siguro wala na siyang gana. ChossEnjoy reading my greens! 💚
.
.
.
.
.
________

"Nagugutom kana love?" Tanong ni Lours, kanina pa kasi kami pumabyahe at oo nagugutom na nga ako pero wala akong ganang kumain.

Babalik na kami sa De Madrigal's Mansion at ewan ba bakit kinakabahan ako. Dahil siguro hindi na tulad ng dati na magkaibigan kami, ngayon mag ka-ibigan na.

"Hindi, wala akong gana kumain Lours, kinakabahan kasi ako"

"Dahil ba sa namamagitan satin?"

Tumango lang ako.

"Wala kang dapat ipangamba Amara, kahit anong mangyari ikaw at ikaw parin naman"

Hindi ko alam pero hindi man lang naibsan ang pangamba ko sa sinabi ni Lours, dahil siguro sa masama ang kutob ko, last time na masama ang kutob ko ay nagkatotoo kaya hindi ako mapakali.

"Kahit na Lours, iba kasi sa isla at iba rin pag sa syudad na tayo, lalo na't amo kita at katulong lang ako"

Nakita kong nangunot ang mukha ni Lours

"No way! Hindi ka katulong, girlfriend kita!"

"Kahit wala tayong label?"

Kanina bago kami umalis ay naikwento ni aleng Helena saakin kung ano yung label.

Yung ang sweet niyo, tas naghahalikan kayo, yung nagtanan kayo pero wala namang kayo.

Ewan ko ba kung seryoso ang sinabi ni aleng Helena oh naghuhugot lang siya pero siguro yun talaga ang walang label.

Kailangan pa daw yun ng ligaw at harana tapos pag sinagot kana ng babae ayun official na boyfriend at girlfriend na raw kayo.

"Hindi na importante ang label, basta mahal kita at mahal mo ako, so tayo na."

Aish!

Napangiwi nalang ako.

"Ano ba Lours! Gusto ko rin ng nililigawan, sabi ni aleng Helena sweet daw yun, tas harana tapos bulaklak at masarap na chocolates"

"That's so cringe my love"

"Hindi yun cringe! Gusto ko yun maranasan! edi wag! Hindi ko man lang alam ang pakiramdam na ligawan"

"Shhht quite, oo na. Manliligaw ako, just wait okay? Just wait"

"Yes!"

Tagumpay ang paawa effect

Malapit narin kami sa De Madrigal's Mansion

"Lours meron sana akong suggestion"

"What is it? Tell me"

Palipat lipat tuloy ang tingin niya, saakin at sa kalsada.

"Gusto ko pag nasa bahay tayo ay ganun lang din ang kilos natin, yung anak ka ni ma'am Silva at katulong ako, wag kang magpaka sweet saakin sa oras ng trabaho"

"No way!"

"Basta! Yun ha kasunduan yun, pwede naman tayo sa labas maging sweet, wag lang sa loob ng bahay niyo. Maliwanag?"

"No."

Tigas talaga ng ulo!

"Kasunduan yun Lours, magagalit talaga ako pag sinuway mo"

"Argh! Fine! Pero ipapakilala parin kita as my girlfriend"

"Ops! Di rin pwede, dapat magkaibigan lang tayo sa bahay"

Loving a Mermaid (De Madrigal Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon