~Thomas' POV
Ara was brought to Makati Medical Center. The game was already done when we left pero according to Coach, susunod na lang daw sila together with the rest of The Lady Spikers and Ara's relatives na nandun sa game. Ara fell into a deep sleep after some tests na in-undergo nya. Good thing kanina when we arrived at the hospital di na sya masyadong umiiyak although bakas pa rin sa mukha nya ang pag-aalala sa team nya as well as ang pag-aalala nya sa sarili nya that maybe she can't make it to the finals. Now, naghihintay na lang kami sa mga results ng test nya and we are hoping na hindi masyadong seryoso ang injury na natamo nya.
"Salamat nga pala Thom" Naggulat ako nung may biglang nagsalita. It was Ara's mom pala. Kakarating lang nya, bumili kasi sya ng food for Ara and for us na rin daw.
"Welcome din po, tita" I replied as i smiled widely. Tumayo na ako, so that Ara's mom can sit beside her. Tinabihan ko kasi si Ara kanina when her mom's not yet around pa.
"No, Ako dapat ang magpasalamat sayo. Salamat sa pag-aalaga sa anak ko." She said as she sat beside Ara, i smiled as an appreciation. I thank God at hindi awkward ang atmosphere and wala akong nafefeel na intimidating factor. Ang bait rin talaga ng mama ni Ara which made me think kung saan kaya nagmana ang babaeng 'to? Joke!
"Alam mo madalas ka nyang naikikwento sa akin at hindi ko talaga in-expect yun" Dagdag pa nya sabay tawa ng malakas, Natawa na rin lang ako. Nakakadala kasi ang pagtawa ng mama ni Ara. Parang si Ara lang.
"Naalala ko nung una ka nyang kinwento. Galit na galit sya sayo. Pinaglaruan nyo raw kasi sya ni Jeron. Nakapag-absent daw tuloy sya sa isa nyang subject. Hindi ko alam, Imbis na magalit din ako, Bigla akong natuwa. First time nya kasing magkwento ng ganun tungkol sa isang lalake tapos nakakatawa ring magkwento yang si Victonara. 'kala mo kung anong ginawa sa kanya" Whoa! Seriously? Naikwento pala yun ni Ara kay Tita? Sobrang fail talaga ng planong yun ni Jeron. Pero may magandang naidulot naman, Nakilala ako ni Ara at dun nagsimula ang love story namin.
"Palagi ka nyang ikinikwento sa akin. Halos ikaw nga palagi ang pinag-uusapan namin kapag nagsaskype kami. Nakakatuwa nga kasi palagi ka nyang nilalait tapos bigla na lang isang araw nanligaw ka daw sa kanya tapos kunwari di nya gusto eh tuwang-tuwa naman ang loka-loka." Natawa na rin lang ako sa sinabi ni Tita, Extraordinary talaga itong si Ara. Akalain nyo yun? She could hate you and almost kill you kapag kaharap mo sya and at the same time she could also say good things about you and praise you so much kapag hindi mo na sya kaharap kaya tuloy magwowonder ka kung ano na ang tumatakbo sa isip nya, Sobrang kasing unpredictable. Basta! She is one in a million, That's the exact statement to sum it all.
"Pero alam mo Hijo, Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sayo. Maybe because i have known you already through Ara's story. Ito ang unang beses na sumubok si Victonara sa mga ganitong bagay, Aaminin ko natakot talaga ako na baka masaktan ang prinsesa namin. Pero naisip ko rin, Kung hindi ngayon? Kailan pa kaya makakahanap ng ganito yang si Victonara? Eh malaki na naman yan! At malaki naman tiwala ko dyan!" Sabi pa nya, This time she's serious already. Hinahaplos nya ang buhok ni Ara.
"Alagaan mo si Victonara, Okay? Alam kong alam mo kung gaano kataray at kasuplada si Victonara so please, bear with her. Ganyan lang yan pero wagas magmahal yan, maniwala ka sa akin. May minsan lang talagang iba ang pinapakita nya sa mga nararamdaman nya, madalas nya yung gawin. Kaya sana, magtagal ka sa kanya, or should i say magtagal kayong dalawa. I might say, My daughter is lucky to have you, bukod kasi sa gwapo ka, talented, matalino, mabait at may kaya sa buhay, mahal na mahal mo rin sya that you're willing to risk it all when it comes to her. But there is one thing that I'll assure you, Maswerte ka rin sa anak ko, and i know that you know the reason why. Victonara loves you also, She really do loves you kaya wala kaming magagawa ng papa nya kundi ang suportahan ang relasyon nyong dalawa basta wala lang kayong masamang maidulot sa isa't isa" Dagdag pa nya. Hindi ko mai-explain ang saya na nararamdaman ko ngayon. I already knew before na hindi tutol ang mama't papa ni Ara sa relasyon namin, Naikwento na rin kasi ni Ara yun sa akin. Pero iba pa rin pala talaga kapag sa kanila mismo nanggaling yung salitang hindi sila tutol sa kung ano ang meron kami ni Ara. Ang gaan sa feeling para bang lulutang na ako anytime.
BINABASA MO ANG
How to Chase the Love i had before (Book 2)
FanfictionTrue love has a habbit of coming back.