Chapter 23: Art of Letting go 2

5.8K 110 63
                                    

~Cienne's POV

"Choosy ka pa ba te? Nagpaparaya na nga si Kimmydors oh! Ayaw mo pa? tsaka Joseph Marco kalokalike yan oh!" Madamdaming pahayag sa akin ni Carol. Readers, Wag nyo muna akong tanungin kung ano ang nangyayari, kasi ako mismo na dyowsa, hindi naiintindihan ang mga naganap dito.

"Dali na, Ciennang! It's your time to shine!" Sabi ulit sa akin ni Ara with hand gestures pa. Aba? It's your time to shine? Pwe! Kahit anumang oras ay nagniningning ang isang katulad kong dyowsa kaya wag na wag kayong magkakamaling sabihan ako nyan! Pwera na lamang si Ara, Idol ko kasi sya! XD

"Wag ka nang mag-inarte, Twin! Grasya na mismo ang lumalapit, tatanggihan mo pa ba?" sabi naman sa akin ni Camille. Tingnan nyo 'tong mga bullies! Pati si Camille, nalalason ang utak!

"Eh ano bang gusto nyong gawin ko? Ang lumapit sa Pedrong yun at hingin ang number nya para magkaclose kami't magkamabutihan nang sa gayo'y makalimutan ko ang hagupit na iniwan ni Van Opstal dito sa puso ko?"Mataray kong tanong sa kanila, pero medyo nagdrama na ako ng kunti sa last part. Hayaan nyo na ako, Maganda ako kaya may karapatan akong magdrama.

"You're so Genius, Cienne!" Sabay-sabay nilang sabi. Kapag sinabi kong sabay-sabay, hindi lang ang mga bullies ang tinutukoy ko, pati na rin sina Jeron at Thomas. Which means, suportado rin itong dalawang itlog na'to sa plano ng mga bullies. Palibhasa kasi, May kinalaman si Mika't Ara eh.

"So what are you waiting for? Lumandi ka na at baka maunahan ka pa!" sabi ni Mikang sabay tulak-tulak ng mahina sa akin. Ako naman nakakunot noo lang na tiningnan yung Pedro. Gwapo naman sya, Matangos ang ilong, katamtaman ang mata, medyo pinkish ang lips. parang si Joseph Marco talaga ang kabuuan ng pagmumukha nya kaso nga lang mas maputi sya at hindi gaanong malaki ang katawan kagaya nung kay Joseph. Pero keribells na rin!

"Oh ano? Lalapitan mo na?" yun agad ang sumupalpal na tanong sa akin nung humarap ako sa kanila. Sila na halos hindi ko masukat ang mga ngiti. Kapag kasama ko talaga ang mga taong 'to, mas napapalapit ako sa salitang Panganib. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Aaminin ko naman na paminsan-minsan may maganda ring maidudulot ang pagkapilya nitong mga kaibigan ko. tsaka isa pa, There's no harm in trying naman diba? Kaya why not give it a try?

Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago ako tumayo "Fine, you won!" Mataray kong sabi sabay lakad papunta sa Table nung hampaslupang kalokalike kuno ni Joseph Marco, nanginginig pa ang tuhod ko habang ginagawa ko yan. Paano ba naman kasi? Never pa akong nanhingi ng number ng lalake sa buong buhay ko! NGAYON LANG! Anong akala nyo dito sa ganda ko? Naghahabol? Maghunus-dili kayo, Ako ang hinahabol-habol! Kaya nga hindi ako makapaniwalang ginagawa ko ito eh! Ganito na ba talaga ako kadesperada na makapagmove-on?

Nung makarating na ako sa katabing table nung Pedro, lumingon muna ako sa bullies na ang lalaki pa rin ng mga ngiti. Mga bruhang 'to! Pag-ako natauhan dito sa mga pinagagagawa ko, Hahampasin ko talaga sila ng mga numero para matauhan din sila! Huminga ulit ako ng malalim ...

Hindi ko dapat hihingin ng dire-diretso yung number ni Pedro, Baka akalain nyang patay na patay ako sa kanya. Pwe! Over my dead hot gorgeous sexy fabulous body! Tsaka isa pa, di magandang madaliin ko sya, baka mabigla sya na agad kong kukunin yung number nya.Ano nga bang magandang gawin para dito ha?

Alam ko na ... Dapat may mangyari munang Palabas, gaya nang matitisod ako sa harap nya at sya naman Sagip kapamilya ang peg. Yung mga ganun? Bwahahahahaha! Hangang-hanga na talaga ako sa aking sarili, Maganda na, genius pa! Sa'n ka pa?

Nagpatuloy na ako sa paglalakad, dapat matisod ako sa harap mismo ni Pedro para mas-

*Booooooooooooooooooooogsh*

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon