Chapter 49: Zambales Escapade (Arrival 2)

2.3K 52 47
                                    

~Ara's POV

"Ayan baks! Excited na akong makita ang reaksyon ni Thomas kapag nakita nya ang nag-uumapaw mong kasexyhan!" Pambobola sa akin ni Carol. Alam nyo na kung bakit. Bumabawi lang yan sa lahat ng pangbababoy na ginawa nya sa akin kanina.

"Utut mo!" Sabi ko saka umirap ng madamdamin. Don't me, Cerveza and friends. Don't me.

Naglalakad kami ngayon papuntang beach. Suot suot ko ang swimsuit na gustong ipasuot sa akin ng mga bullies. Pero dahil conservative type ako at hindi ko bet ang maglakad sa buong beach na exposed ang katawan, naka-cover up pa ako ng kulay itim.

Ganun din ang suot nina Mika, iba't ibang style at design kami pagdating sa bra at shorts pero parehos lang na two-piece since gusto nilang pangatawanan na Friendship goals daw kami. Mga hilo talaga!

"BEACH IS LIFE!" Sabay-sabay na sigaw ng mga bullies nang umabot na kami sa beach. Actually, pinlano nila sa beach house na dapat daw sabay-sabay nilang isigaw yan para mas may impact ang entrance namin since magagandang nilalang kami.

Ang ganda ng dagat. Kahit papano'y nawala ang pagka-imbyerna ko. Idagdag pa ang hindi masyadong maraming tao at higit sa lahat, hindi na mainit. Ayaw ko kasi talagang maligo kapag tirik na tirik ang araw. Tama nang may isa kaming negra sa barkada, ayaw ko nang dumagdag.

Tumakbo kaming mga bullies papunta sa shoreline. Sabay-sabay pa sana kami kaso biglang natapilok si Kim, buti na lang di nya sinulit ang katangahan nya't hindi sya nasubsob ng husto sa buhangin.

"Ates! Ang ha-hot!" Bungad sa amin ni Kaye pagkadating na pagkadating namin sa kinaroroonan nila. Nakaupo sila ngayon sa buhangin, mga 3 meters away from the sea. Wag kayo! Nagdala pa ako ng ruler dito sa beach para sukatin yan! Chos!

"Maliit na bagay, Kaye!" Hambog na pahayag ni Mika. By now, Alam na siguro ninyong lahat na nung nagpasabog ang langit ng confidence, nasa front row kaming mga bullies kaya nasalo namin halos lahat.

"Oh anong nangyari sayo, Kim? Bakit di ka naka-matchy matchy sa kanila? Akala ko ba friends for life kayo?" Tanong ni Cyd kay Kim.

"Di naman kailangang magkapareho kami ng attire para masabing friends for life, the experiences we've shared says it all naman" Sagot ni Kim. Since mabubuti kaming kaibigan, binato namin sya ng buhangin. Punyetang linyahan! Nakakarindi!

"Hi Ates! You look stunning po!" Agad kaming napalingon sa nagsasalita. Si Joshua na kasama sina Ricci, Kib at Jeron. Kakaahon lang yata nila mula sa pagtatampisaw nila sa dagat. Kaya ayun, Ang ha-hot tingnan on their wet look.

Yun nga lang, ibang wet look ang gusto kong makita. Gusto ko ng cuter version. Nasan na kaya ang boyfriend ko? Eh palagi naman silang magkasama nitong si Jeron, sila na nga yata ang tatalo sa KaRa eh! Pero wala akong makitang dewende sa tabi ng intsik ngayon. Saang nuno na naman kaya tumambay yun?

"Oh, Isara ang mga bibig baka mahigop nyo ang tubig dagat" Pang-aalaska ni Cienne kay Carol at Mika na kasalukuyang nakatanga sa topless na sina Kib at Jeron. Agad naman silang natauhan saka binigyan ng malakas na konyat si Cienne.

"Pagka-epal mo, kasing-laki ng noo mo!" Sabi pa ni Carol.

"Nasan ang anak ni Kris?!" Tanong ko sa mga boys. Nagkatinginan muna sila bago sumagot si Joshua.

"Ate, he helped someone lang" Sabi nito sa akin. Awtomatiko namang napataas ang kilay ko.

"Aba! Ano sya super hero?" Inis kong sabi.

"Ay baks! Wag kang selfish, gusto lang pangatawanan ng boyfriend mo ang most helpful award nya nung kinder! Ano ka ba!" Banat ni Carol.

"Tsaka di naman masamang tumulong no! Teka! Sino ba ang tinulungan?" Tanong ni Cienne sa Archers.

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon