~Thomas' POV
*Calling Baby for life<3*
Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng kotse ko. Sigurado akong hindi na maipinta ang mukha ni Ara ngayon at aawayin nya talaga ako pagdating na pagdating ko sa Hospital. Bukod kasi sa hindi ko sinasagot ang tawag nya dahil nagmamadali akong puntahan sya, Wala rin syang kasama doon sa hospital at hinding-hindi nya gusto yun. Pangalawang araw na ni Ara ngayon sa Hospital simula nung operahan sya sa Knee nya.
*Calling Baby for life<3*
I ignored it again, Hindi ko talaga kasi ugaling sumagot ng tawag kapag nagdadrive ako. Baka maaksidente pa ako. Alam ko namang maiintindihan yun ni Ara eh. Tsaka isa pa, Nakapasok na rin ako sa Compound kung nasan yung hospital. I directly entered the Parking Area at pinark ko kotse ko. I quickly changed my Jersey top, kakagaling ko lang kasi sa training eh and upon seeing3 missed calls from her which is unusual kasi hindi naman sya tmatawag talaga sa akin, I didn't bother to change clothes na. After changing, I grab the J.co box na nasa passengers seat and closed my car and mabilis na tumakbo papasok ng Hospital.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto nya, bumungad kaagad ang poker face nya and naka-cross hands pa which made my heart skip its beat cause I know mahaba-habang pag-uusap 'to. Napangiti ako ng bahagya. Having injury and all, She still manage to look scary and intimidating.
"Thom, nandito ka na pala! By the way, Ibibilin ko muna sayo si Ara ha? Bibili lang ako ng makakain and supplies nya" Ara's mom said, smiling. Sa'n kaya nagmana 'tong si Ara? Palangiti naman mama nya ah?
"Sige po, Tita" I replied, ngumiti ulit yung mama nya saka naglakad palayo carrying Josh na nakangiti rin. Scratch what i've said earlier, Buong pamilya pala ni Ara ang palangiti, How come hindi nya namana yun? or naimpluwensyahan man lang sya dun.
"You're 1 hour and 27 minutes late" Napaharap ako kay Ara na kasalukuyang tinitingnan ang orasan nya. Really? Inorasan nya talaga ako?
"Plus naka 6 missed calls ako sayo and none of it was answered" She said, pataas ng pataas na yung kilay nya. Which gave me the urge to smile but naisip kong galit sya kaya I need to be serious. Magsasalita na sana ako ng bigla syang magsalita ulit.
"Yung totoo? May iba ka no? Kaya ka natagalan? Litse 'to! Sabihin mo na lang sa akin na may kinita ka para madukot ko yang mga mata mo't hindi na kayo makapagkita ulit! Landi mo!" Sunod sunod nyang sabi.
"Dim your lights, babe! Unang-una sa lahat nalate ako kasi hindi ko inexpect na matagal kaming idi-dissmiss ni Coach sa training and I brought you some food pa. Second, I wasn't able to pick up your calls cause I'm on a hurry, ayaw ko namang sagutin habang nagdadrive ako, baka 'pag nagkataon, dalawa na tayong pilay-ARAY!" Natigil ako sa pag-eexplain dahil tinapon nya sa akin yung unan na hawak hawak nya. Sapul na sapul sa mukha ko.
"Umayos ka! Baka itong kama na ang susunod kong itapon sayo kapag may narinig akong hindi maganda dyan sa mga sinasabi mo!" Sigaw nya. Pinulot ko yung unan. Natatawa na talaga ako. Ara is effortlessly cool. Her language, sobrang nakakaasar, but to me? It appeals cute and funny.

BINABASA MO ANG
How to Chase the Love i had before (Book 2)
FanfictionTrue love has a habbit of coming back.