~Mika's POV
Nandito na kami ngayon sa MOA Arena, Naghahanda para sa pinaghahandaan naming paghaharap laban sa National U. Do or die game 'to kaya patibayan na lang talaga ng puso. Kapag natalo kami dito, wala ng susunod na laro ibig sabihin nun wala ng Ateneo-Lasalle sa finals, kapag naman nanalo kami makakaharap namin ang Ateneo sa Finals at malaki ang tsansa na mabawi naming ang Championship.
"Kinakabahan talaga ako, Di ko alam kung bakit pero parang may mangyayaring masama" Biglang sabi ni Cienne na agad ko namang ikinagulat, Paano ba naman kasi? Daig pa ang Kabute, Sulpot kung sulpot.
"Matuto ka naman sanang bumati muna bago ka magsalita!Nakakagulat kaya!" Sabi ko naman sabay hinampas sya ng Jacket sa mukha, Agad namang nakailag ang loka-loka palibhasa kasi praktisado na ang reflexes nya.
"Eh makapagsalita 'to, Akala mo naman di bastusin! Hoy Mika Reyes! Isa ka rin! Kaya wag kang umeeme dyan!" Sabi naman nya sabay inayos ang hairpin nya, Inirapan ko lang sya, May lahi talagang papansin 'tong si Cienne-Ay hindi pala, Halos lahat pala lumalabas ang pagkapapansin kapag ako ang kaharap, Mika Reyes yan eh!
Cienne: Sya nga pala! Narinig mo sinabi ko kanina? Ang sabi ko ... Kinakabahan ako, Baka may mangyaring masama mamaya.
Ako: Ano naman dawng mangyayaring masama mamaya aber?
Cienne: Aba'y malay ko! Anong tingin mo sa akin? Manghuhula?
Ako: Ewan ko sayo! Wala kang kwentang kausap!
Cienne: Pero seryoso bully, Hindi ka ba kinakabahan?
Ako: Kinakabahan syempre, Natural lang naman yan sa mga ganitong laro no? Lalo pa't do or die game!
Cienne: Kinakabahan rin naman ako pero bakit parang iba talaga yung kaba ko, Parang hindi lang sa game? Parang ... Basta, Di ko maexplain! Di ko maexpress!
Ako: Dulot lang yata yan ng pagka-engage ni AVO dun sa ana ng may-ari ng East horizon, Cienne!
Cienne: Ewan ko sayo!
Agad na syang humiwalay sa akin pero bago yun nakatanggap muna ako ng madamdaming irap. 'tong babaeng 'to, Lakas ng loob irapan ako! Di yata magsink-in sa kanya na reyna ako at dukha lang sya. Anyways saan na ba si Ara Galang? Yung babaeng yun! Baka nagkatotoo na nga ang hinala kong nagpamembro na sya sa isang kulto. Saksakan ng misteryo kasi, Nakakatakot kaya! Hinanap sya ng mata ko at ayun sya Nakaupo lang sa gilid habang nakasaksak sa magkabila nyang tenga ang mga earphones nya, Akala ko naman kung anong ritwal na ang ginawa. Agad ko naman syang nilapitan, hindi ko balak na interviewhin sya ngayon tungkol sa kanila ni Thomas dahil alam kong bukod sa wala akong makukuhang matinong sagot sa kanya, parang hindi rin ito ang tamang oras. Baka maya-maya hindi pa maging maganda ang epekto sa kanya. Sa ngayon, Maglalambing lang muna ako, Namiss ko na rin kasi si Daks ko.
Pagkadating na pagkadating ko sa kinauupuan nya ay agad kong hinablot ang earphones nya, Agad naman syang nagbigay ng matalim na tingin sa akin sabay tinusok ako ng karayum sa mata. Joke! Masyado naman nating pinanindigan ang pagbibigay kahulugan sa pagiging misteryosa ni Ara. Tiningnan lang naman nya ako ng nakataas ang kilay.
"Handling tayo daks" Sabi ko sa kanya ng ngiting-ngiti, Waaaaa! Bakit parang naawkward na akong magsalita kay Ara? Ito na ba ang simula ng KARA? Chos! Eh kasi naman kasi parang ibang tao na sya? Katulad na lang ng nagyayari ngayon? Usually kasi sya ang nagyayaya sa akin na maghandling tapos ngayon tinititigan nya lang ang bolang hawak ko sabay titig ulit sa akin at sa bola ulit. Sino daw ang hindi ma-aawkward dun? Tapos di pa sya nakangiti, Nakapokerface pa sya habang ginagawa yan. Jusme!
"Okay" Tumayo na sya saka tinanggal ang earphones nya at inilagay ito sa bag nya, Tinanggal nya na rin ang jacket nya saka kami lumabas ng kwarto kung saan nagsastay ang Lady Spikers. Pumwesto sya sa harap ko at sinimulang ihagis ang bola sa akin.
BINABASA MO ANG
How to Chase the Love i had before (Book 2)
FanficTrue love has a habbit of coming back.