Chapter 34: Sana

3.4K 64 16
                                    

~Mika's POV

Maagang-maaga kaming naggising lahat para mag-training, Natitiyak kong magiging extra puspusan ang training namin ngayon lalo pa't mababawasan kami ng isang player, at hindi lang basta-bastang player ang mababawas sa amin, KEY PLAYER pa at TEAM CAPTAIN namin kaya sigurado akong magiging mahirap para sa amin ang mag-adjust sa pagkawala nya. Hindi rin basta-bastang laro ang mangyayari, FINALS yun at isa pa, May thrice to beat advantage rin ang Ateneo which makes it more difficult for us. Pero kahit papano, Naisip rin naman namin na nagawa nga nilang talunin kami last season na nasa kanila ang disadvantage? Kami pa ba? Siguro ang mas dapat lang naming gawin ay i-enjoy ang game at magtry to be more positive, Isa kasi yata sa mga dahilan kung bakit kami natatalo eh masyado naming siniseryoso yung laro, I mean wala ng happiness na makikita sa amin, puro revenge na lang, which is not good. Kaya nga si Coach, umagang-umaga pa lang, Nagdidisplay na ng kanyang malalim na dimples, isa daw kasi yun sa way ng pangingimbita ng positivity. Eh paano naman kaming mga walang dimples? Puros kamalasan ang dadatnan? Chos!

Nandito na kami ngayon sa Sports Complex, Kakarating lang namin from a 30 minutes jogging dun sa field. Kung itatanong nyo sa akin kung saan si Ara? Well, Nasa hospital pa sya, Pero babalik rin sya sa dorm this day. Since kaya naman nya ring maglakad although kailangan pa nya ng saklay at nakabrace pa yung paa nya. Sabi kasi ng doctor, Hindi daw necessary na magstay si Ara dun sa Hospital basta daw mapagpahinga ni Ara yung paa nya nang mas mapadali ang paghupa ng pamamaga at mas maagang maisagawa yung surgery.

Pagkatapos ng mga 5 minutes rest from jogging ay agad na kaming nagbalik sa training, walang sinasayang na oras si Coach, nagsimula kami sa stretching pagkatapos ay sa mga drills kaagad. After it, kunting pahinga ulit then nag-focus kaagad kami sa iba't-ibang department, Starting from service, down to digging. Whooo! Akala ko pa naman positive vibes all the way! Wagas kasi si Coach makangiti kanina eh, Oh well! IT'S A TRAP!

"Oh girls! 5 minutes break!" At ito na nga ang pinakahinihintay naming mga katagang isisigaw ni Coach, Agad kaming nagsiupuan sa mga bleachers at nagsilabasan ng mga tumbler namin.

"Sakit ng braso ko, Baks!" Sabi ni Carol habang hinihimas-himas ang braso nya.

"Eh mas lalong masakit naman bibig ko!" Angal naman ni Cienne sabay turo sa bibig nyang medyo namamaga.

"Di mo naman sinabi sa amin na gusto mo palang maging replacement kay Ara!" pabirong sabi ni Kim, inirapan naman sya ni Cienne.

Ako: Eh ano palang nangyari dyan sa bibig mo? Wag mong sabihing pinangsalo mo ng bola yan? Dyan ko na talaga masasabing saksakan ka ng katangahan!

Cienne: Over! Eh kasi nagkabanggaan kami ni Dawn nung inihagis ni Coach Noel yung bola sa pagitan naming dalawa, Sakto namang natama sa ulo ni dawn yung bibig ko!

Carol: Lutang ka kasi! Eh parang kanina ka pa sinasabon ng mga coaching staff eh! Anyare sayo baks?

Cienne: Eh ikaw daw ba mawalan ng Iphone?

Ako: Dukha 'to! Iphone lang? Pinoproblema mo? Pagkatapos na pagkatapos ng training natin, Sasampalin kita ng Pera pambili nyang iphone mo, Limahin mo na lang baka sakaling maholdap ka ulit ng hindi mo alam! Katangahan ne'to!

Cienne: Mas dukha yung Rex Intal na yun! May lahing magnanakaw, Nahiya pa talaga sya ha? At iniwan nya yung Sim Card! Di pa nakuntento? Naglagay pa ng number! Edi sana nilagyan rin nya ng Name at Address nya nang masulit nya yung katangahan nya!

Carol: Chill baks! Dakilang Assumera ka rin paminsan! Eh malay mo? Naholdap ka lang talaga ng masasamang loob dyan! Hindi pala si Rex Intal, Feel na feel mo lang!

Cienne: Sure ako, Sure na sure! Diba nga nagbigay sya sa akin ng number nya na nakalagay sa isang maliit na card tapos pinunit ko? Eh medyo natatandaan ko yung mga numero dun kaya malamang alam kong numero nya 'yong nakasulat dun sa lesheng tissue!

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon