*Mika's POV*
"Mag-aalas onse na wala pa rin si Ara!" Pasigaw kong sabi, higit apat na oras na kaming naghihintay kay Ara na dumating at ni anino nya ay hindi pa namin nakikita. Naghiwa-hiwalay kami para maghanap sa kanya sa mga lugar na pwede nyang puntahan at may iba naman sa amin ang nagpaiwan sa dorm.
"Ate Miks, Wala si Ate Ara sa 7/11" Hingal na sabi ni Kaye (Kim Dy) na halatang kakarating lang sa kakahanap kay Ara.
"Kung saan-saan na kami naglibot para makita si Ate Ara, wala pa rin talaga" Sabi naman ni Dawn na hingal na hingal rin.
"Kapag may nangyaring masama kay Ara! Lagot lang talaga sa akin yang Ianny na yan!" Pagalit na sabi ni Carol sabay kinuha ang phone
"Icocontact ko si Thomas, kailangan nyang malaman kung gaano kabaliw ang Ex nya!" Dagdag pa nya saka lumabas.
Ilang sandali lang ay bumalik na si Carol saka umupo sa tabi ko.
"Wala si Ara dun kina Thomas, papunta na din dito si Thom" Sabi nya na sinusubukang kalmahin ang sarili.
"Natatakot ako, Ako kasi ang huling nakakita kay Ate Ara na umalis ng dorm, Hindi ko naman kasi alam na may ganun palang ganap ate, sana hindi ko na lang hinyaang umalis si Ate Ara" nanginginig na sabi ni Desiree.
Mika: Wala kang kasalanan, Desiree. Medyo may pagkamatigas lang talaga ang bungo ng Ate Ara mo.
Cienne: Uupakan ko talaga yang Ianny na yan! Nananahimik na ang buhay ni Ara at Thomas, eepal pa sya! Bitch talaga!
Kim: Ang akala ko ba bukas pa sila magkikita ni Ianny? Si Ara naman kasi eh! Sana tinawagan nya muna tayo o di kaya tinext bago sya sumama dun sa bampirang yun!
Carol: Hindi pa naman nya lubusang kilala yung babaeng yun!
Maya-maya pa'y biglang may humintong kotse sa labas ng dorm, Agad kaming nag-unahan sa pagsulyap kung sino ang may-ari ng kotse. Itim ang kotse at pamilyar sa aming lahat. Nagmamadaling bumaba sa kotse si Thomas nan aka-pajama pa at nakasando.
"Wala pa ba sya?" Nanginginig nyang tanong, bakas sa mukha nya ang takot at pagkakabahala. Halos mangiyak-ngiyak na rin sya.
"Wala pa, Thom. Apat na oras na kaming naghihintay pero wala pa rin talaga, Maupo ka muna Thom" Sabi ni Cyd habang tinuturo ang bakanteng upuan.
"Wala bang sinabi si Ara kung saan sya nagpunta?" Natatarantang tanong nya, This time naiiyak na talaga sya.
"May bibilhin lang daw sya saglit sabinya kay Desiree" Sabi ko habang hinahagod ang likod ni Thom na tuluyan nan gang umiiyak, Iyakin talaga 'to kaya hindi magandang ideya ang biruin syang may nangyaring masama kay Ara.
"Kasalanan ko 'tong lahat eh" sabi nya habang patuloy pa rin sa pag-iyak na parang bata.
"Walang may kasalanan Thom. Hindi mo rin naman ginusto ang nangyari diba?" Sagot naman ni Camille habang hinahagod rin ang likod ni Thom.
"Iniwan rin nya ba phone nya?" Tanong ni Thomas na umiiyak pa rin.
"Yun na nga eh, Iniwan rin nya. Ayaw talagang magpacontact ng loka-loka" sagot ni Kim na kanina pa rin naglalakad ng pabalik-balik.
"Tatawagan ko si Ianny" Tumayo si Thomas at pinahiran ang luha saka kinuha ang phone nya at pinindot-pindot ito, Nakailang pindot-pindot sya pero base sa mga ipinapakita nya, ayaw'ng sumagot ng gusto nyang tawagan.
"Pupuntahan ko sya" Mabilis na naglakad si Thomas papuntang gate. Sinundan ko sya, sasama ako sa pagpunta nya kay Ianny at ako ang sasabunot sa kanya lalo na kapag nalaman kong may nangyaring masama kay Ara.
BINABASA MO ANG
How to Chase the Love i had before (Book 2)
FanfictionTrue love has a habbit of coming back.