Chapter 53: Happiness and Pain

801 37 10
                                    

~Mika's POV


"Cci, nakita mo ba si Ara?" Tanong ko kay Ricci nang makasalubong ko siya sa hallway.


"Ha? Hindi po eh." Napakamot naman ako sa ulo ko nang marinig ang sagot na iyon. Quota na ako sa ganung klaseng sagot sa mag-iisang oras na paghahanap ko kay Ara.


Sa'n ba kasi nagsusuot yung babaeng yun? Eh maayos naman ang usapan naming hindi siya aalis ng kwarto hanggat hindi siya naayusan ni Carol.


"Ah ganun ba? Sige salamat!" Sagot ko naman kay Ricci.


"Sige, I'll get going na po. Kailangan ko pa po rin kasing mag-ayos" Tumango lang ako kay Ricci kaya naman umalis na siya.


Busy ang lahat ngayon since last day na ng stay namin dito sa Batangas, at maya-maya lang ay may program na gaganapin. Basically, nagpeprepare na ang lahat, pati na rin kaming mga bullies, of course. Maliban na lamang dito kay Ara na biglang Missing-in-Action, mag-iisang oras na ang nakakalipas.


"Ate, sino hinahanap mo?" Tanong sa akin ni Dawn na mukhang kakagaling lang sa labas.


"Si Ara, kanina pa kasi nawawala eh." Sagot ko naman sa kaniya. Please, lubayan niyo ako sa sagot na hindi niyo nakita si Ara! Wala na bang bago diyan?


"Nasa labas ate, mukhang malungkot. Ewan ko ba. Di ko alam, puntahan mo na lang" Sagot naman sa akin ni Dawn. Sa wakas! Nagpasalamat na lang ako sa kaniya at saka nagtuloy-tuloy na palabas.


Medyo naiinis ako sa fact na hindi man lang nagsabi sa amin si Ara kung saan siya papunta, edi sana di ako nalokang maghanap sa kaniya kung saan-saan diba? Pero upon hearing na mukhang malungkot siya, Nagworry talaga ako. Sino ba naman kasing hindi? This past few days, medyo naging hobby na niya ang pagiging malungkot. Ngumingiti naman siya, tumatawa, nakikipagkulitan. Kaya nga lang, bigla-bigla ring nagiging malungkot. Hindi namin alam ang dahilan. Hindi pa namin napag-uusapan magbarkada. Pero para sa akin, mas gusto ko yung siya mismo ang lumapit sa akin at magsabi ng problema niya. Knowing Ara, Mas gusto muna niyang mapag-isa at makapag-isip isip bago niya sabihin sa amin ang mga pinagdadaanan niya.


Pagkalabas na pagkalabas ko, hindi ako nahirapan na hanapin siya.


Kagaya ng sinabi ni Dawn, mukhang malungkot nga talaga siya. Nakaupo lang siya sa isa sa mga benches, malayo ang tingin at napakalalim ng iniisip.


"Ara" Tawag ko sa kaniya. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang mga mata na para bang kakagaling lang niya sa pag-iyak. Matapos niya iyong gawin ay agad siyang humarap sa akin ng nakangisi.


"Sorry! Nakatulog ako dito kanina eh! Papasok na ako!" Bungad niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko, sa kabila kasi ng masiglang tono at ekspresyon niya, bakas pa rin ang kalungkutan sa mga mata niya.


Sa halos limang taon na magkasama kami nitong si Ara, masasabi kong kilalang-kilala ko na talaga siya kaya hinding-hindi niya ako kayang lokohin diyang sa pagkukunwari niyang masaya siya.

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon