Chapter 47: Cake

1.7K 53 2
                                    

~Ara's POV

"Kabogera baks! Ang hot mo, nakakainis!" Inirapan ko lang si Carol sa papuri nya. Pinaulanan rin ako ng papuri ng mga teammates ko dahil sa suot ko. Pero kagaya kay Carol, madamdaming irap lang rin ang natanggap nila mula sa akin.

Matapos nyo akong molestiyahin? Pupurihin nyo ko na parang walang nangyari?

Pinupuri nila ako dahil sa suot kong damit. Naka-blue laced crop top kasi ako tapos white laced shorts at white flats. Naka-pony tail ako tapos naka-cap ng kulay white na nike. Maganda naman ako sa suot ko pero hindi ako komportable. Masyadong maiksi at exposed ang abs at legs ko.

Kailan pa ako natutong magsuot ng mga damit na may kukulanging tela? Actually hindi ako natuto, Pinilit ako. Pinilit ako ng mga bullies na suotin ang outfit na'to para matchy-matchy daw kaming mga bullies except kay Kim na hindi talaga nila kayang pilitin, Wild si Dora kaya hindi na sila nagpumilit pa. Mahal nila ang mga buhay nila kahit gaano ito kaparewara. Chos!

Naging marahas ang pilitan namin pero nanalo pa rin sila. Outnumbered ako. Isa lang ako, Apat sila. Idagdag nyo pa ang iba kong teammates na nakisali rin sa pamimilit sa akin.

"Wag kang bumusangot dyan Victonara, bagay naman sayo eh baka nga hatakin ka na agad ni Thomas sa kwarto nya kapag nakita ka nya" Agad kong tinampal ang bibig ni Mika dahil sa sinabi nya. Naging bastusin na ang damulag, nahiwalayan lang ni Teng.

"Quiet na ako, pero pretty mo talaga daks!" Sabi pa nya sabay kurot sa akin sa tagiliran.

"Nagtext na si Coach! Tara na daw!" Biglang sigaw ni Kim mula sa labas. Kanina pa sya dyan sa labas. Love na love nya yata ang pagiging nognog kaya gustong-gustong magbilad sa araw.

Excited namang kinuha ng mga teammates ko ang mga bags nila at nagtititili pa habang naglalakad palabas ng dorm.

Being the seniors, Obligasyon na naming mga bullies na i-inspect ang dorm bago kami umalis lalo na kapag walang maiiwan. Nang makasigurado kaming wala ng mga nakasaksak sa plug at naka-lock na ang mga rooms, lumabas na rin kami at ini-lock din ang pintuan ng dorm pati na –rin ang gate.






-






"Tara na daks! Kanina pa ako kinukulit ni Thomas kung nasaan na daw tayo!" Pamimilit ni Mika sa akin sabay hila ng kamay ko pero nanlaban ako kaya no choice sya kundi bitawan ako.

Kanina pa kami dito sa Ground floor ng Razon's. Nauna na ang mga teammates namin doon sa taas kasi dun magbibigay ng announcement si Coach bago kami pumuntang Zambales. Nagrason ako sa mga teammates ko na may nakalimutan ako kaya inakala nilang umuwi pa ako sa dorm kahit ang totoo nandito lang kami ni Mika sa baba.

Ewan ko ba! Biglang nangatog ang tuhod ko nang makatapak kami dito sa Sports Complex. Ayaw kong makita ng Green Archers na ganito ang suot ko. Nakakahiya! Aasarin na naman nila ako at hindi ko alam kung makakabato ba ako ng malupit na comebacks sa mga pang-aasar nila. Kung bakit ba kasi kailangang magsuot ng ganito?

"Ayaw mo talagang umakyat?" Tanong ni Mika sa akin, tumango-tango lang ako. "Sige, tatawagin ko na lang si Thomas—"

"Wag mo'kong sisimulan, Reyes! Kung hindi mo gustong mag-running man habang umiiyak!" Tumawa naman sya ng sobrang lakas dahil sa sinabi ko.

"Ikaw na talaga ang pinaka-punyetang kaibigan na nakilala ko!" Sabi pa nya nung medyo naka-recover na sya kakatawa.

"Wow hiyang-hiya naman po ako sa'yo! Bakit mo na-realize ang mga realizations ko?" Sabi ko naman sa kanya dahilan para humagikhik ulit sya.

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon