(A/N: Kinabukasan, After training ulit)
~Ara's POV
Bagsak ang mga balikat kong lumabas sa Sports Complex. Si Thomas lang ang kasabay kong bumaba since nauna na ang mga kateammates ko. Kinausap pa kasi ako ni Coach saglit tungkol sa injury ko, Kunting pampalubag-loob para hindi ako masyadong ma-frustrate sa nangyayari sa akin ngayon. Ugh! Naiinis ako sa sarili ko ng sobra-sobra! Paano ba naman kasi? Kung kailan gigil na gigil ako maglaro at kailangang-kailangan pako ng team, dun pa ako na-injured? Saklap diba! Hayop din sa timing 'tong kamalasan na dinaranas ko sa buhay eh!
"Baby, Bilisan natin! Baka hindi mo na maabutan mama't papa mo" Biglang sabi naman ni Thom sabay tingin sa kanyang orasan, Napataas naman ang kilay ko habang tinitingnan sya. Anong pinagsasasabi nito?
"Flight kaya ng mama't papa mo ngayon!" Hala oo! Ba't ko nakalimutan yun? Sa lahat ba naman ng pwedeng makalimutan? Yun pa! Ugh! Napakamot ako sa ulo ko sabay hinila si Thomas at umakbay sa kanya habang hawak ang isa kong saklay at mabilis na naglakad palabas ng Sports Complex. Wag kayong magtaka kung bakit hindi nagtagal si Mama dito sa Pilipinas. Ganito kasi yan, May sakit si Lolo kaya pinagkatiwala kay mama ang kompanya dun sa Singapore. Umuwi lang talaga sya nung malaman nyang do or die ang match ngayon kaya hindi sya pwedeng magtagal dito, Gustuhin man daw nyang alagaan ako at makabonding kami tsaka yung ibang relatives namin, Hindi daw pwede. Naiintindihan ko naman sya kasi nga paghahanapbuhay rin naman ang pinunta nya dun sa Singapore and besides uuwi rin naman daw sya dito kapag magaling na ulit si Lolo. Nakakalungkot din ang buhay dun ni Mama, Buti na nga lang isasama nya si papa ngayon pagpunta nya sa Singapore. 1 month lang naman dun si Papa. Hindi din kasi pwedeng magtagal si Papa dun kasi sya din ang namamahala sa kompanya namin dito sa Pilipinas. Nakapag-1 month break lang si papa kasi nga nakarating na rin galing America yung cousin kong graduate ng business ad na pansamantalang mamamahala sa kompanya dito sa Pilipinas. Okay yun nay un, Ayaw ko ng mag-discuss further sa mga kompanya namin kasi mismong ako halos walang pakialam dun.
"Wait nga lang baby! Nahihirapan ako sayo eh! Sakit sa leeg!" Pagreklamo naman ni Thomas sabay hawak sa leeg nya, Agad ko naman syang binigyan ng aking threatening looks. Tumigil kasi sya bigla kaya naman napatigil din ako sa paglalakad. Hindi din naman kasi pwedeng mauna akong maglakad baka kasi pag-abot ko sa Airport nakaabot na rin si mama't papa sa Singapore.
"Eh anong gusto mong gawin natin ngayon?" Sabi ko naman sa kanya, Nakataas pa rin ang kilay.
"Halika baby ko, I'll carry you at my back" Sweet na sweet nyang sabi habang inaayos ang buhok ko. Awtomatiko namang nagkasalubong ang mga kilay ko. Aba! Nakuha pang pumaraan ng loko-loko!
"hibang ka ba? Umayos ka nga Thomas! Kita mong nagmamadali ako eh!" Pasigaw kong sabi habang pinapalo-palo ang balikat nya. Sya naman hindi na umiiwas. Kapag kasi umiwas sya baka malayo nya yung sarili nya sa akin at malaglag ako since nakaakbay ako sa kanya.
"Hey! Sandali nga lang! Im doing this para mapadali tayong dalawa okay?" Sabi naman ni Thomas, Napa-glare naman ako sa sinabi nya, Naramdaman kong tumatawa sya pero hinhinaan lang nya. I knew it, He's laughing since alam naman nyang wala na akong choice.
"Oh bakit ka tumatawa!?" Pasigaw kong sabi nung naramdaman kong hindi pa rin sya tumitigil sa mahinang pagtawa nyang rinig na rinig ko naman. Hello? Halos ilang inches lang ang pagitan namin! Imposibleng hindi ko marinig. Kahit nga paghinga nya rinig na rinig ko eh! Sa'n kaya naiwan ng lalakeng 'to utak nya. Kadagdag imbyerna-vibes.
"Hindi ah! Oh! Halika na baby!" At may balak pa akong utuin ng loko! Kung hindi lang ako pilay kanina ko pa'to sinipa eh! Edi natanggap ko ring pilay talaga ako -_-
"Fine" Sumakay na ako sa likod nya saka ko ibinaon ang mukha ko sa balikat nya, dinala naman nya ang saklay ko. Naglakad na si Thomas palabas ng Sports Complex. Nararamdaman ko ang bulungan ng mga studyante paglabas namin kaya tuloy mas lalo kung ibinaon ang mukha ko sa balikat ni Thomas. Nakakahiya talaga.
BINABASA MO ANG
How to Chase the Love i had before (Book 2)
FanfictionTrue love has a habbit of coming back.