Chapter 20: No, he's not

5.9K 102 81
                                    

~Ara's POV

"Sinong Vic ko?" takang-takang tanong ni Thomas sa akin, at mukhang hindi talaga nya ako lulubayan hangga't hindi ko nasasagot yang bwiset na tanong na yan! Utang na loob, Kung naging masama po ako sa past life ko, pwede po bang sa ibang paraan ko na lang pagbayaran? Chosss! XD

Tiningnan ko si Mika na kasalukuyang iniinterrogate rin ni Jeron, Binigyan ako ni Mika ng 'Anong gagawin natin?' Look, ako naman nag-'Magbibigti na lang ako' look, Tiningnan ko si Mother, si Ate Moks at ang bullies, takang-taka silang lahat na para bang naghihintay sila sa aking eksplinasyon, malamang eh? Wala kaya silang alam na may tumatawag sa akin na Vic ko! Ano ba yan! Pahamak na callsign.

Mga 5 minutes kaming nanahimik nung kumatok ulit si Rex, tama nga kayo ng pagbasa, kumakatok pa si Rex, malamang hindi pa namin sya pinagbubuksan eh.

"Ako na magbubukas" nagulat ako sa ginawa ni Cienne kaya hinawakan ko yung wrist nya, mas lalong nagtaka naman ang pagmumukha nilang lahat pwera na lang si Mika na medyo may clue na sa mga pangyayari.

"A-ah, M-mag-ingat ka, Cienne ha?" halos mabulunan si Kim sa sinabi ko >.< Wala na talaga akong malulusutan sa conflict na ito! Binigyan ako ni Cienne ng 'Alam ko 'to, wag kang mag-alala, ako ang bahala' look, medyo gumaan yung pakiramdam ko pero I'm not that fine, I swear! XD Kaya ayun, binitawan ko yung wrist nya. Whoooooooo! Akala ko na, katapusan na ng lahat eh XD Life saver talaga itong si Cienne. Kaht medyo pasaway atleast may natatagong kabaitan, eh itong si Fajardo? Di na nga nakakatulong, pinapahamak pa ako! May kwenta talagang kaibigan XD

Kim: Akala ko naman anong sasabihin mo, may nalalaman pang pahila-hila ng kamay, Anong drama yun? Diba sabi na ni Author na pang-wattpad muna tayo, di pa daw pang-MMK! Kaloka!

Sabi sa inyo eh! Wala nang ginawa ang Fajardong ito kundi ang ilagay ako sa bingit ng kamatayan-Chossss! Joke lag po yun ^___^ Gusto ko pa pong mabuhay kapiling ang aking mga mahal sa buhay, Ang aking mama, Papa, Kuya, si baby Josh, Si Thomas, Si Rex!? Anak ng! Paano nasali yung Atenistang yun? Ano ba naman 'to? Speaking of, ano na kaya ang nangyayari kay Cienne at Rex dun sa labas? Sana naman positive oh! Para kahit papano may tulong ring maiaabot itong si Cienne sa akin! XD

~Cienne's POV

"Ako na magbubukas" Pagvovolunteer ko, Alam ko ang mga nangyayari. Yes, you read it right, aware ako sa mga nangyayari ngayon, wala namang nagsabi sa akin pero nasesense ko lang sya, Kung hindi nyo kasi naitatanong malakas ang radar ko sa mga ganito kaya wag na kayong magtaka! XD And alam kong malaking trouble ito, Thomara Shipper pa naman ako! Ayoko nang maulit yung paghihiwalay ng Thomara, baka kasi malusaw naman kaming mga bullies, kakaisip ng paraan kung paano sila magkakabalikan.

Maglalakad na sana ako papuntang pintuan nang biglang hinawakan ni Ara yung wrist ko, Akala siguro ni Ara hindi pa ako aware sa mga bumabalot na kababalaghan dito sa dorm XD "A-ah, M-mag-ingat ka, Cienne ha?" sabi nya nung napansin nyang mas nagtaka na ang pagmumukha nila. Natatawa na talaga ako sa pagmumukha ni Ara, alam nyo yung putlang-putla na sya na hindi na mapakali na para na syang natataeng ewan! XD Anyways, binigyan ko na lang sya ng 'Alam ko 'to, wag kang mag-alala, ako ang bahala' look, para hindi na sya masyadong mag-worry, bintawan nya naman yung wrist ko kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa entrance door namin kung saan patuloy na kumakatok si Rex, ang Atenistang hampaslupa. Chosss!

Nung makarating ako sa pintuan, agad ko itong binuksan, tumambas naman si Rex na ang laki-laki ng ngiti, Si Lolo? May gana pang ngumiti? Eh halos magbigti na nga si Ara sa kaba eh! Agad ko naman syang hinila palayo sa pintuan ng dorm para naman walang makarinig sa gagawin kong pagtataboy sa bayawak na ito.

"T-teka, San mo 'ko dadalhin?" Feeling naman 'to? Bigwasan ko kaya 'to? Kala nya naman may pagnanasa ako sa kanya! Excuse me? Solid Van Op-Nevermind :D

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon