Chapter 40: Nag-uumapaw na Confidence

1.5K 38 1
                                    


~Ara's POV


"Kinakabahan ako" Sabi ko kay Mika na syang kasama ko ngayon dito sa Hospital. Ngayon na ang schedule ng reconstruction ng tuhod kong na-ACL. Si Mika lang ang kasama ko kasi yung ibang teammates namin may pasok. Present ang mga bullies, talagang hindi sila pumasok para dito sa operation ko. kaso bumili ng pagkain si Cienne at Cams samantalang sumama naman sina Kim at Carol kay Thomas para sunduin si Mama at Kuya Jun kaya kaming dalawa lang ni Mika ang magkasama.


"Saan ka naman kinakabahan?" Tanong naman nya sabay nginatngat yung chocolates na kinain ko kanina.


"Hindi ko nga alam eh" Sagot ko naman. Hindi ako namimilosopa, Totoo talagang hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.


"Baka kinakabahan ka kasi feeling mo masakit" Seryosong sabi ni Mika.


"Siguro" Sagot ko naman.


"Wag kang mag-alala daks, Gugupitin lang nila yang balat mo tapos tatanggalin yung buto mong nasira tapos iupuslit nila yung bakal sa tuhod mo tsaka nila tatahiin gamit yung malaking karayum tsaka parang nylon" Sagot nya. Lumaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Nanginig bigla yung buong katawan ko, Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kung kaba lang ang nararamdaman ko kanina, Pwes ngayon magkahalong kaba at takot na. All thanks to Mika.


"Salamat daks. Dahil sayo, Handang-handa na ako para sa operation, Salamat talaga. Nakakaiyak" Sarkastiko kong sabi. Nanlalamig na talaga ako. Napapraning na rin ako dahil sa kaba at takot. Sa bawat dumadaang nurse at doktor, palakas ng palakas yung tibok ng puso ko. Si Mika naman tawa lang ng tawa. Paano ko ba naging bestfriend 'tong litseng 'to?


"Victonara!" Base sa tawag nya, Kilalang-kilala ko na kung sino sya.


"Mama!" Sigaw ko. Niyakap ako ni Mama, Amoy Pampanga pa sya. Nakakamiss tuloy yung bahay namin dun. Naalala ko bigla yung mga panahong tulo-sipon pa ako, tapos maglalaro kami ni Kuya jun sa labas ng hindi naliligo ta's biglang lalabas si Papa na may dalang sinturon, mag-uunahan kaming pumasok ni kuya sa buhay. Good old days.


"Kuya jun, Baby Josh!" Masayang bati ko.


"Bunso!" Sagot naman ni Kuya Jun, akay-akay nya si Baby Josh. Ang laki na nya, Sobrang pogi pa. Miss na miss ko na sila. Sayang lang, Hindi nakapunta si Papa dito. Wala kasing magbabantay sa business namin dun sa Pampanga kapag sumama sya dito, Malakas pa naman ang sales ngayon kasi walang pasukan.


"Ready na po ba yung patient?" Sobra akong na-over whelm sa pagdating nina Mama, nakalimutan kong may operasyon pala ako ngayon. At naalala ko ulit ang sinabi ni Mika kanina, Nanginig ulit ako. Mamaya, makikita talaga ng damulag na'to ang hinahanap nya.


"Ready na-"


"Ma, hindi pa'ko handa" Naiiyak kong sabi. Ang lakas ng impact nung sinabi sa akin ni Mika. Doble na yung takot ko ngayon. Plus naiisip ko pa, Paano kung sa kalagitnaan ng operasyon, Habang ginugupit nga nung doktor yung balat ko tas biglang napabahing sya, kaya nadiretso yung gunting, Nagupit yung mga hindi dapat gupitin. Naku loko na! O di kaya habang pinapasok yung bakal sa tuhod ko, May nurse na napautot, nagalit yung doktor biglang nagdeclare na hindi na nya tatapusin. Paano na? Ugh litse Ara! Wag ka ngang nega. Kainis. Si Mika talaga may kasalanan ng lahat ng 'to eh.

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon