Chapter 36: Conquer

3.1K 63 10
                                    

~Mika'sPOV

"Here's Alyssa Valdez serving for the Championship point, Dug up by Cyd Demicillo, faulty reception there Mozzy! It's Mika Reyes on the second touch, and a freeball given by Cheng, Here's Lazaro for the perfect reception, Morado setting, Morente loads it up! Dug up by Cruz, Cheng on the second ball, Mika Reyes trying to make something out of it, But it appears to be an easy ball for the defending champs, Lazaro again with her reception, Morado to Morente, No! It's going to Maraguinot, What a combination play and ohhhhhhhhhh! Maraguinot ended the game with her powerful cross court attack! And the Ateneo Squad got their second championship!"

Napaupo na lang ako sa gitna ng court, Grabeng effort na ang in-exert namin as a team, Grabe ang preparation namin, Grabe rin ang paghugot ng mga motivation ng bawat isa pati na rin si Coach. Grabeng adjustments ang ginawa, simula nung pagkawala ni Ara hanggang dito sa loob ng court. As in grabe, Grabe ang mga ginawa namin para mapanalunan namin 'tong larong 'to pero bakit ganito? Natalo kami ng tatlong sets lang? Lumapit sa akin si Cyd saka niyakap ako, Umiiyak sya kaya hindi ko napigilan na umiyak na rin. Sobrang sayang talaga ng mga pinagpaguran namin, Hindi namin masyadong na-apply sa larong 'to. Nakakapanghina rin ang fact na ang daming nagsakripisyo para makaaboot kami dito, kabilang na dun sina Ara at Camille na nagtamo ng injury bago ang larong ito, Pero nabigo namin sila. Nabigo namin ang buong Lasallian Community, lalong-lalo na ang mga sumusporta sa amin. Nabigo kami na kunin ulit ang championship.

Naabutan pa ng ilang minuto bago magsink-in sa amin ang nangyayari. Nagpunta sa amin ang mga Lady Eagles para i-congratulate din kami. Kahit pala papano, may dapat rin kaming ipagpasalamat. Dapat rin naming ipagpasalamat na nakaabot kami rito. Hindi din kasi madali ang makaabot kung saan kami nakatungtong ngayon. At ang mas lalo naming dapat ipagpasalamat ang mga sumusuporta sa amin, Mga pamilya, kamag-anak, ang lasallian community at ang mga taong kahit hindi naman namin kaanu-ano pero buong puso pa rin kaming sinusuportahan at sumasama sa amin sa kahit anong laban. Dapat naming ipagpasalamat na kahit binigo namin sila ay nandito pa rin sila upang suportahan kami.

Nakayakap sa akin si Ara na umiiyak, Alam kong doble ang sakit na nararamdaman nya ngayon. Ito'y marahil nakakaramdam sya ng guilt, Nakaramdam sya na baka isa sya sa mga dahilan kung bakit naghirap kami sa pagtalo sa Ateneo. At dahil na rin siguro kahit gusto nyang lumaban para sa amin ... Wala syang magawa ... Kundi ang pagmasdan kaming unti-unting tinatalo ng kabilang kupunan.

"Daks, Sorry talaga, Sorry wala akong nagawa" Sabi nya habang tuloy-tuloy na umaagos ang kanyang mga luha.

"E'to naman! Sobra na ang tulong mo sabi ni Lord, kaya nga pagpahingahin ka raw muna eh, sobrang dami na daw ng nagawa mo, hayaan mong kami naman muna kahit saglit, Di bale na, May next time pa" Sabi ko naman sa kanya, Muntanga lang ako habang kinocomfort sya, eh mas lalo rin akong iyakin kaya malamang hindi 'to titigil kakaiyak kasi ako mismo hindi kayang tumigil kakaiyak.

"Nag-usap ba kayo ni Lord? Sobrang dami mong alam eh!" Natatawang sabi nya. Kung di ko lang 'to kilala napagkamalan ko na 'tong baliw eh. Sobrang bilis magshift ng mood, Kani-kanina lang halos lalabas na ang uhog kakaiyak tas ngayon naman todo tawa. Yung totoo? Nagbibiruan ba tayo dito?

"Baliw ka talaga, Pilay ka!" Sabi ko sabay batok sa kanya ng mahina, Di ko kasi pwedeng lakasan muna, kasi nga pilay sya, baka ma-out balance at matumba at baka imbis na ang championship ng ALE ang magtrend ay baka ang kalampahan nya ang maging viral.

Ang daming ginanap na interview at thanksgiving. Ang daming pinapasalamatan ng mga taong ito, Kulang na lang talaga isa-isahin nya ang mga pangalan ng mga nasa loob o di kaya pasalamatan ang alikabok sa pinakasuluk-sulukan ng Arena. Sakit sa ribcage ng mga sinasabi! Sumunod naman ang awarding then after it, Nagsialisan na yung mga tao, Nagtungo na rin kami papuntang dug-out para maglinis ng katawan and everythings pero nagulat kami ng hinarang kami ng guard. Anyare kuya? Noon, Mama lang ni Ara ang hinarang nyo eh! Ngayon? Kaming lahat na! Jusko! Kabahan naman kayo kunti! sa dami ba naman namin? Baka naman maisip niyong mahabag sa mga sarili niyo. Pero no choice kami, may announcement pa kasi daw kaya bumalik kami sa Arena, pati na rin yung mga tao, hinarang rin ng guard kaya nagsibalikan lahat sa mga pwesto nila. Ano bang i-aanounce? Ibibigay na ba ng ALE ang championship nila sa amin? Mukhang hindi, kasi pati yata sila walang ideya sa nangyayaring panghaharang ng mga guard.

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon