*Thomas' POV*
28 days, 4 weeks, 1 month! Oo nga, 1 month na! 1 month na akong hindi pinapansin ni Ara, Hindi ko alam kung anong ginawa ko! Nagsorry ako sa kanya ng ilang ulit kahit na wala naman akong natatandaang kasalanan na nagawa ko pero bakit ganun? Kung ano yung paghahabol ko sa kanya, sya namang pag-iiwas nya sa akin. I tried to fetch her after her classes pero pagdating ko sa Classroom nila, Wala na daw sya, nauna na daw. Tinry ko ring puntahan sa dorm nila several times na, Pero sabi ng mga teammates nya tulog na daw o di kaya may lakad. May isang gabing nagpost sya ng picture sa Insta na nagmomoviemarathon sila ng mga teammates nya, Hatinggabi na yun. Pinuntahan ko sya para kausapin kasi miss na miss ko na sya, pero pagdating ko sa dorm nila, Naka-off na lahat ng ilaw. Tawag? Nakaka-20 yata ako sa isang araw eh! Text? Lampas 60 na rin sa isang araw pero wala ni kahit isang reply man lang. Pinupuntahan ko sya during trainings nya, Dun ko lang sya nakikita ng matagalan. Pero halatang nag-iiwas sya, Pagkatapos kasi ng training nila, Nagmamadali syang umalis. Hindi man lang ako magawang kausapin, O kahit tingnan man lang.
"Oh Cecilia you're breaking my heart, you're shaking my confidence baby"
Ganyang-ganyan ang ginagawa ni Ara sa akin ngayon, She's breaking my heart and she is shaking my confidence. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko, at mas lalong hindi ko alam ang mga susunod kong gagawin para lang pansinin nya na ako. Hindi ko kaya 'to. Parang nawawalan ako ng ganang gumising sa araw-araw ng buhay ko. Tinakpan ko ang tenga ko para hindi ko na marinig ang music na pinapatugtog ng lesheng si Kib Montalbo.
"Anong drama ne'to? Patakip-takip ng tenga ah?" Patawang sabi ni Jeron.
"Shut up" Pagalit kong sabi sabay tinakpan ng unan ang ulo ko, Wala ako sa mood na makipag-usap ngayon, lalong-lalo na makipag-asaran.
"Palibhasa kasi halos mag-iisang buwan na syang hindi pinapansin ni Ara" sagot uli ni Jeron sabay tumawa ng pagkalakas-lakas. Loko 'tong gagong 'to ah? Ipagmukha daw ba sa akin ang kasawian ko? Tumayo ako saka lumabas ng kwarto namin, bumaba ako bitbit ang pitaka ko, phone ko at susi ng kotse ko. Lumabas ako ng dorm at kinuha ang kotse ko. I need to talk to Ara right now, I really can't take this anymore.
*Mika's POV*
*Booooooooooooooooooooooooooooooooogsh*
Natumba ang upuan na pinaglalagyan ng mga gamit namin, Ito ay dahil natamaan ito ng bola. Kung magtatanong kayo sino ang may gawa? Si Ara Galang lang naman. Kanina pa sya, palo ng palo ng pagkalakas-lakas. Kapag sa kanya isiniset ang bola ay gigil na gigil nya itong pinapalo, Full swing pa. Kaya naman kami, na nasa kabilang grupo, nahihirapan sa paggawa ng sarili naming play, Hirap na hirap kasi kaming depensahan ang nag-aapoy na si Ara Galang kaya tuloy kumuquota na kami sa mga sermon ni Coach.
"Mika! Diba sabi ko sayo, Bilisan mo ang galaw mo! Hindi pwede ang pabagal-bagal sa game natin against NU! Do or Die na yun! Magconcentrate naman tayong lahat! Ipapapasan nalang ba natin kay Ara at Kim ang buong Lasalle?Tulong-tulong tayo oh!"Tingnan nyo? Hindi ko na halos mabilang kung pang-ilang sermon na yan, Paulit-ulit pa yung content! KLK! Paano ba naman kasi? Tinalo kami ng NU ng 3 sets nung Wednesday?
"Opo coach" mahina kong sabi habang tinitingnan si Ara. Parang galit na galit sya sa mundo at binubuntong nya sa lahat ng bolang isiniset sa kanya. Ano bang problema nito?
"Sige!Pagpatuloy nyo!" Sabi ulit ni Coach. Nagserve na si Desiree na syang nagsisilbing setter ng grupo nila Ara. Ni-receive iyon ni Dawn saka isinet ni Kim papunta kay Cyd, Nablock ni Ara. Coverage ni Cyd ulit, Sinet ni Kim, Binigay sa akin, Nadig ulit ni Ara, Hindi pa nakuntento, Hinatid pa kay Desiree. Binalik ni Desiree sa kanya at ...
*Boooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooogsh*
Mas malakas na palo pa. Down the line.Walang nakasalo.
BINABASA MO ANG
How to Chase the Love i had before (Book 2)
FanfictionTrue love has a habbit of coming back.