Chapter 21: Irresistible

5.6K 107 80
                                    

~Ara's POV

"No, I'm not" Agad na nagsalubong ang kilay ko sa sinagot ni Thomas. Akala ko ba nagkakainitindhan na kami ni Thomas tungkol dito? Hinawakan ko yung kamay niya, tiningnan nya lang saglit yung mga kamay naming magkahawak pagkatapos ay ibinaling nya kaagad ang kanyang tingin sa TV sabay alis ng aking kamay na nakahawak sa kanya. Aba? Ang choosy ng lolo nyo! Buti pa nga sya't naranasan nyang mahawakan ang kamay ng isang Ara Galang.

Hinawakan ko ulit yung kamay nya, pero ganun pa din yung ginagawa nya. Iniiwas nya pa rin. Kapag ako di nakapagtiis sa kasutilan ng hampaslupang 'to, Tinitiyak kong hindi to makakauwi sa dorm nila ng may kompletong kamay at paa. Okay, last na 'to! Kapag ako, dededmahin nya ulit, Bahala na sya sa buhay nya! Makapag-inarte naman, Akala mo chix! -___- Hinawakan ko yung magkabilang side ng mukha nya saka inilingon sa akin ang ulo nya, kay kasalukuyan na kaming magkaharap sa isa't isa.

"Ano bang dinadrama mo dyan?" Pabulong kong tanong sa kanya, focus na focus kasi ang mga tao dito sa panonood ng movie kaya minabuti kong hinaan ang boses ko.

"Wala" Sabi nya sabay alis ng mga kamay ko sa pagmumukha nya at tingin ulit sa TV, ginawa ko na naman ang ginawa ko kanina. Hinarap ko na naman ang pagmumukha nya sa akin, this time nilakasan ko na, para naman matauhan sya at marealize nyang hindi an ako natutuwa sa kadramahan nya sa buhay! Hindi ako si Charo, di ako mahilig sa drama kaya wag na wag nya akong sisimulan!

"Ano ba, Ang kulit mo, sabing wala eh" Sabi naman nya sa akin, mahina lang yung pagkasabi nya pero bakas pa rin sa boses nyang napipikon na sya. Fine! This is it, napapagod rin akong maglambing at pakiusapan sya, lalo pa' t hindi sya nakikipag-cooperate. Bahala na sya sa buhay nya, Leshe! Tumayo na ako at padabog na naglakad. makapunta na nga lang sa kwarto namin ng mga bullies. Mabuti pa dun, Matiwasay ang kapaligiran at higit sa lahat, malayo sa kadramahan!

"Oh, daughter? Sa'n ka pupunta?" narinig ko pang sabi ni Mother, hindi ko lang pinansin si Mother at patuloy na akong naglakad, take note: with matching dabog dabog pa yan! Intense mode, yung tipong, maririnig mo talaga kahit anong takip mo sa tenga mo.

Pagkadating ko sa kwarto namin ng mga bullies, Nagbihis kaagad ako ng cyclings saka medyo preskong damit. Usual attire ko kapag matutulog na ako. Para naman bago ako matulog marealize ko kung gaano ako ka bukod na pinagpala dahil sa aking very sexy body with all the curves. After it, kinuha ko ang aking Iphone sa side table ko at agad na sumalpak sa kama sabay talukbong ng kumot. Pagkatapos ay nagminion rush na lang ako. Hindi ko ginagawa 'to para aliwin ang sarili ko, ginagawa ko ito para mag let go ng inis ko sa lesheng kupal na yun. kasi nga dba? Nakikita ko sa katauhan nng mga minions si Thomas kaya ayun, palagi kong ginagame over para magmukhang kaawa-awa yung minion.

*Tok tok tok*

"Bukas yan!" Sigaw ko at saka nagpatuloy sa paglalaro, nag-eenjoy aking pahirapan at gawing kaawa-awa ang minion na'to.

Biglang bumukas yung pintuan, tahimik yung room kaya tanging ang tunog lang ng mga paa nung pumasok ang tanging maririnig mo. Naramdaman kong papalapit sa akin yung tunog.

"Bully? Tapos na kayo?" pagtatanong ko pero hindi ko pa din tinatanggal yung kumot o sinusulyapan kung sinong hampaslupa ang pumasok. Wala akong narinig na sagot. Wow? Balak yata akong pagmukhaing tanga ng hampaslupang 'to! Buti na lang maganda ako. Hindi kalait-lait pakinggan ang magandang tanga kesa sa Pangit na nga, tanga pa! #Hard

Naramdaman kong medyo lumubog ang side ng bed ko, minabuti ko na lang na tanggalin ang kumot ko. And to my surprise, hindi pala isa sa mga bullies ang pumasok, hindi ko din ka-teammate. Pero teka nga? Sino ang nagbigay ng permiso sa bansot na'to na pumasok sa kwarto namin? Tinaasan ko lang sya ng kilay saka ulit ako nagtalukbong ng kumot. Naiinis ako sa hampaslupang 'to! Bwiset! Maarte, Ang daming kadramahan sa buhay! Akala mo naman, Artista! Pwe! Pero kapag nakikita ko kasi sya, nawawala lahat ng ganung factor eh, kaya dapat iwasan ko munang makita sya, kailangang magtampo muna ako ngayon nang matuto naman sya.

How to Chase the Love i had before (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon