~Author's Note:
I was feeling so so so so so so pissed off with ThomBe that it affected my actual update schedule. But hey, hindi mawawala ang feels ko dahil lang sa pesteng ship na yan! BaRa nga di ako natinag eh, na mas clingy yung mga yun. ThomBe na kaya? Jusq Try me bes, try me. Joke! Per seryoso, my ThomAra heart. May kakapitan pa ba?
Here's an update. If you find it lame, sisihin nyo ang ThomBe. Sila ang may kasalanan ng lahat. pati pagkaagaw ng China sa WPS sa kanila nyo rin isisi. Peste! Hahahahahaha. Okay Bye na si ako! Enjoy reading please para nyo nang awa. Tsaka wag kayong magtaka kung medyo mablis na yung flow ng story, patapos na'to eh. Excited na akong tapusin to kasi gusto ko nang ipagpatuloy yung Regal Elite and At Three.
Comment naman kayo guys, di illegal yun. Hehehehe. Bye na talaga!
~SaiiXOXO
~Ara's POV
Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang paghihiwalay namin ni Thomas. Sa dawalang araw na iyon, hindi pa rin sya sumusuko sa kakapilit sa akin na balikan sya. Mas lalo ngang lumala yung pangungulit nya sa akin. Tipong alas kwatro pa lang ng umaga naghihintay na sya sa labas ng dorm namin para kausapin ako, tapos madalas rin syang mag-abang sa labas ng classroom ko, tuwing gabi naman'y bumibista pa rin sya sa dorm.
Sa lahat ng ginagawa nya, pagtatago lang ang tanging sagot ko. Yun lang ang kaya kong gawin eh. Ang magtago at tumakas. Hindi ko kayang kausapin sya. Oo na, mahina na kung mahina. Napangungunahan kasi ako ng takot na baka kapag nakita ko sya at narinig ko na naman ang pagmamakaawa nya, biglang sundin ko yung sigaw ng puso ko kesa sa dinidikta ng isip kong dapat kong gawin.
I still cry myself to sleep. You can't blame me. Dalawang araw pa lang ang nakalipas. The moments that we've shared is just too precious for me na hindi ko pa rin talaga kayang tanggapin na magiging memories na lang talaga ang lahat ng iyon. Mahal na mahal ko si Thomas and I guess sya lang siguro ang kayang mahalin ng puso ko ng ganito kalalim. Pero ano pa nga bang magagawa ko?
"Daks, nasa baba ulit si Thomas!" Tarantang saad ni Mika, napabuntong-hininga naman ako. Here we go again.
"Anong sasabihin ko? Naubos na talaga lahat ng kasinungalingang pwedeng ma-produce ng utak ko, daks!" Litanya nya. Medyo na-guilty ako sa sinabi nya. Hindi naman na sila dapat madamay dito eh. Problema ko 'to at dapat ako ang humaharap dito. Sa nangyayari kasi ngayon, halos lahat ng teammates ko pati teammates ni Thomas, nase-stress.
"Sabihin mo na lang na gumawa ng project sa bahay ng kagroup nya." Sabat ni Kim na medyo iritado na rin sa pagiging makulit ni Thomas.
"Kim, kung alam mo lang gasgas na gasgas na yan!" Sagot ni Mika sabay hilot ng sintido nya. Napayuko na lamang ako. Again, hindi dapat nila problemahin ang problemang ako naman dapat ang humaharap.
BINABASA MO ANG
How to Chase the Love i had before (Book 2)
FanfictionTrue love has a habbit of coming back.