Chapter 8 - Thank you

496 3 1
                                    

Chapter 8 - Thank you

Mike Ethan's POV

Lintek na! Anong ipapakain ko sakanya?! Di naman ako marunong magluto.

Kung bakit kasi lagi nalang late umuuwi yung babaeng yun eh! Yan tuloy! Muntikan pa siyang mapahamak!

Gusto niyo malaman kung pano ko nalaman kung nasan siya?

*Flashback*

Lumabas ako ng condo para bumili ng makakaen......

Pumunta ako sa basement para kunin yung sasakyan ko.

drive dito, drive dun.... kaso wala nang open na resto. Kaya umuwi nalang ako.

On the way na ako pabalik ng condo ng makita ko si Anna naglalakad magisa pauwi.

"Tignan mo tong babaeng to. Hindi ba siya natatakot?!" -para akong baliw dito na kinakausap yung sarili ko.

Pupuntahan ko na sana siya, kaso may nakita ako na sumusunod sa kanya. Pero bakit ganun naman yung itsura nung lalake? Parang nakipag-tug-of-war.

Ginilid ko yung sasakyan ko at pinatay yung ilaw. Sinusundan ko silang dalawa.

Eto namang si Anna, ang manhid! Hindi niya ba nararamdaman na may sumusunod sa kanya?!

.

.

.

Maya-maya napansin ko na tumigil sila for a second. Siguro nakaramdam na si Anna. At pagkatigil na pagkatigil nila, bigla naman nagmadali si Anna sa paglalakad. Sumunod naman yung lalake sa likod niya.

After 5 minutes, tumigil si Anna at agad-agad na lumingon sa likod niya, yung lalake naman biglang tumalon sa damuhan.

And when I saw how the guy reacted, sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko. Si Anna ang puntirya niya.

After seeing that, nagmasid na talaga ako.

Lumingon ulit si Anna, this time medyo tinagalan niya. Pero nakatago parin yung lalake. It's as if kabisadong kabisado niya na ang bawat kilos at galaw ni Anna.

Ng maglakad na ulit si Anna, lumabas na siya sa damuhan at sinundan ulit siya.

.

.

Maya-maya lumingon nanaman si Anna. This time, mukhang napikon na siya at the same time, makikita mo sa mukha niya na natatakot na siya.

May sinigaw siya. Pero di ko narinig. Tinignan ko yung bintana ko.

=_=

Peste! Pano ko maririnig kung nakasara yung bintana?! Binuksan ko yung bintana at ayun,

Bigla nalang sumulpot sa harap ni Anna yung lalake.

Ang ikinabigla ko naman ay kung bakit nung nakita niya yung lalake eh, parang gumaan yung loob niya. Parang yung takot niya kanina, nawala. Kilala niya ba yung lalake?

And, I was right. Kilala niya nga. Kinakausap siya ni Anna pero hindi sumasagot yung lalake. Ng bigla nalang siyang hilain neto at takpan ng panyo sa ilong.

Sinasabi ko na nga ba.... Binuksan ko yung ilaw ko at pumunta agad ako sakanila. medyo malayo din kasi ako sa kinatatayuan nila eh.

Pagtapat na pagtapat ko dun, bumaba ako at hinila ko yung lalake. Bigla namang natumba si Anna kaya imbis na sapakin ko yung lalake, tumakbo ako papunta kay Anna para saluhin siya. Pagkasalo ko sakanya, Inihiga ko muna siya dun sa semento at binalikan ko yung lalake na ngayon ay nakatayo na.

I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon