Chapter 18 - High
Mike Ethan's POV
Umupo na si Anna sa tabi ko at nagsimula na ako magkwento.
"1st year palang ako, niligawan ko na si Nicole. After 2 weeks sinagot niya rin ako. Inlove talaga kami sa isa't isa noon.
Lagi kaming masaya kapag magkasama kami... Halos walang problema...
Ang tanging problema lang ay ang mga intrigang nasasagap ni Nicole.
Matanda sakin si Nicole ng 1 taon.
13 palang ako noon, si Nicole naman 14. Lagi nila siyang sinasabihan na pati ba naman daw bata, papatulan niya.
Madami na din kasi siyang naging boyfriend nun... sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa kanya diba? Ang ganda-ganda niya.... ang bait-bait pa.....
Pero dumating yung araw kung san, nakipagbreak siya sakin.
*Flashback*
"Ethan, niloko lang kita.... hindi kita mahal." yun lang ang sinabi niya at iniwan na ako.
Lahat ginawa ko.... pero pilit niya akong pinagtatabuyan....
*End of Flashback*
Pinakita niya sakin na may mahal na siyang iba.
Hindi niya na ako kinakausap.
Kaya lumayo na din ako.....
Nagawa ko naman ang makapag-move on....
Pero, bakit ganito siya ngayon??? Kakanta siya ng ganun, iiyak pa siya, eh siya naman ang nangloko....."
Nakita ko na seryosong-seryoso si Anna...
"Anna? May iniisip ka ba?" tanong ko
"Ah, kasi.... Ethan, kinausap ako ni Nicole...." sabi niya sakin
Bago niya ituloy tinignan niya muna ako.
Actually, hindi ko alam kung gusto kong pakinggan kung ano man yung gusto niyang sabihin pero pinakinggan ko nalang.
"Sabi niya......" kung titignan mo magkwento si Anna parang, ayaw niyang sabihin yung gusto niyang sabihin...
Ang gulo ba? Basta, ganun siya magsalita eh...
"Gusto ka daw ulit niya maging.... boyfriend..." yan ang sinabi niya na ikinagulat ko
"Ganun ba....." yan nalang ang nasabi ko
"Ethan, una na ako. Umuwi ka na din, baka mabinat ka pa." hahabulin ko sana siya kaso ang bilis tumakbo eh.
Pinabayaan ko nalang siya.
Nakita ko naman si Nicole na nasa may damuhan.
"Anong ginagawa mo jan?" -tanong ko sakanya
"Ah, eh, wala. Uuwi na ako." akma niyang umalis
"Tignan mo, ngayong may chance ka makipagusap lalayuan mo. Ano ba talagang gusto mo? Gagamitin mo pa talaga si Anna para mapalapit sakin." pahabol ko kaya napatigil siya
"Hindi ko siya ginagamit! Para sakin, kaibigan ko talaga siya! Ang gusto ko lang naman magkabalikan tayo eh! Pinagsisisihan ko na, na nakipaghiwalay ako sayo!! Gusto kong bumalik sayo Mike..." umiiyak na siyang sinasabi yan
BINABASA MO ANG
I was wrong
Romance"love does not exist in this world. the only thing that exists in this world is pain." yan ang pinaniniwalaan ng bida natin sa story na ito. simula palang nung bata siya, nakatatak na yan sa isip niya. . . . . . . pero, love nga kaya ang hindi niya...