Chapter 38

265 5 1
                                    

Chapter 38

Clarissa Annalyn's POV

8:30 am

Pagmulat ko ng mata ko, nakita ko si Alex na nasa lapag at may hawak na box na gutay-gutay yung cover.

Tinignan ko yung paligid ng condo ko at nakita kong ang daming kalat.

Nagkalat din yung mga box ng kung ano-anong gadgets sa paligid namin.

"Lex...." pagtapik ko kay Alex.

"Mamaya na... nagbubukas pa kami ng regalo ni Ms Anna." -Alex

"Tanga! Hindi mo mabubuksan yan kung nakahandusay ka diyan at nakapikit." -ako

Minulat niya ang mata niya at umupo.

"Ms Anna! Good morning po! Pasensya na po kayo, nakatulog ako." -Alex

"Shh! Mamaya na tayo magbukas ulit. Kumain muna tayo. Nagugutom na ko." -ako

"Okay po." -Alex

Sinipa-sipa ko yung boxes na nagkalat kahit may laman pa at dumeretcho sa kusina.

Nakita ko yung cereal dun sa kabinet ko at kinuha iyon. Kinuha ko na din yung fresh milk dun sa ref.

"Okay na ko dito. Kumuha ka nalang jan ng gusto mo. Kung gusto mo magluto, magluto ka lang." -ako

Nagsimula na akong kumain at si Alex naman, kinuha yung tinapay sa kabinet at yung palaman sa ref.

"Ang dami pa nating bubuksan Ms Anna." -Alex

"Kayanga eh. Nakakatamad. Pareparehas lang naman yung laman." reklamo ko.

*dingdong* *dingdong*

"Ako na po." -Alex

.

.

.

"Ms Anna....." -Alex

"Ano? Kumain ka na dito. Madami pa tayong bubuksang regalo." -ako

"Ms Anna..." -Alex

NIlingon ko siya, "Anu ba yo-"

"Pasensya na ah, ang aga-aga nangbubulabog ako." -WTC

"Ano pong ginagawa niyo dito?" -ako

Nakita kong sinenyasan niya si Alex na lumabas muna.

"Gusto ko sanang batiin ka ng personal sa birthday mo. Kaso, di ako inabot ng flight ko kahapon eh. Nadelay kasi. Pasensya na anak." -WTC

"Eh, wala ka na po palang gagawin dito eh.. Alam ko po madami ka pang kailangan gawin sa kumpanya, hindi mo naman na po ako kailangan batiin. Ituloy mo na po yung trabaho mo." -ako

"Annalyn naman." -WTC

TInignan ko siya ng masama.

"Gusto ko lang naman makita ka. Gusto lang naman kita batiin." -WTC

Hindi ako kumibo at patuloy siyang tinignan.

"Happy Birthday." -WTC

After niyang sabihin yun, binaling ko ang tingin ko sa mesa at patuloy na kumain.

Narinig ko siyang naglakad papalapit sakin.

May nilapag siyang box sa harap ko.

"Yan ang regalo ko sayo. Sana magustuhan mo. Mauuna na ako. Kumain ka ng marami ha.." -WTC

I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon