Chapter 51
Clarissa Annalyn's POV
(continuation)
"Tara na?" -Dad
"Sila Michelle nga po pala??" -ako
"Dun lang naman sila sa office sa bahay nagsstay..." -Dad
"Hindi pa po sila nakakapunta sa main?" -ako
"Sila Michelle, Stephanie at Ivan, hindi pa. Pero si Sylvia nakapunta na." -Dad
"Pano po kung gusto nilang pumunta?" -ako
"Si Ivan, pwede... pero sila Michelle kasi walang pwesto sa kumpanya kaya hindi pwede... Kilala mo naman si Lolo mo diba?" -Dad
Oo nga pala.
Kung kadugo ka talaga o di kaya naman dun ka nagtratrabaho, pwede ka pumasok... pero kung hindi, hindi ka talaga pwede pumasok sa main.
Ang weird ba?
Ganun yung gusto ni Lolo eh... Baka daw kasi may mga makapasok na may masamang balak sa kumpanya.
Si Lolo yung tipo ng tao na hindi talaga madaling magtiwala.
Pagdating namin sa kumpanya, lahat ng makakasalubong samin magbbow with a serious face pero pagtitingin na sila sa akin parang maninibago sila. Pwera nalang dun sa mga kakilala ko na, nginingitian nila ako.
"Good Afternoon sir... The meeting will be starting in 20 minutes..." -Secretary
Nung lumingon sa akin yung secretary...
"Miss Annalyn?" -Secretary
"Shhhh.... Hinaan mo na lang yung boses mo... Para hindi tayo makakuha ng atensyon ng iba..." nagtataka kayo kung bakit tagalog ko siya kunakausap?? Kasi Pilipino siya.
Yup. Halos 60% ng nagtratrabaho dito sa kumpanya namin ay Pilipino.
Karamihan sa investors namin ang mga foreigners.
"Gala ka muna kung gusto mo... Pupunta lang ako sa meeting.." -Dad
"Sige po." -ako
Umalis na si Dad kasama ang secretary niya.
Pumunta ako dun sa floor kung san halos busy lahat. Ang sarap kasi nila panoorin.. Very hard working.
Pagdating ko dun, wala kang maririnig kundi tunog ng paglipat ng papel, yung tunog ng ballpen, yung tunog ng paglalagay sa clipboard, onting mga paguusap..
Laging pagod mga tao dito sa floor na to. Dito prinaprocess yung mga papel ng pera ng kumpanya, yung mga kailangan pirmahan ng mga investors pati ng CEO.
Nakita ko yung head ng department na to at natuwa ako kasi siya parin yun.
Si Sir Matt
"Nak ng!! Ano ba naman to?! Diba sabi ko ayusin niyo?!" -Sir Matt
Nakakatuwa siya kapag galit... kasi namumula yung buong mukha.
Yung iba naman na foreigner parang natawa nalang...
"Tawa tawa kayo jan???!!" -Sir Matt
"Wala po..." -foreigners
Infairness marunong magtagalog..
Nagulat ako ng biglang tumayo lahat bg nasa row na katapat ko at nagbow.
Lahat naman tumahimik sa ginawa nila..
BINABASA MO ANG
I was wrong
Romance"love does not exist in this world. the only thing that exists in this world is pain." yan ang pinaniniwalaan ng bida natin sa story na ito. simula palang nung bata siya, nakatatak na yan sa isip niya. . . . . . . pero, love nga kaya ang hindi niya...