Chapter 79

30 1 0
                                    

Chapter 79

Mike Ethan's POV

Nakasakay na kami sa sasakyan at ihahatid na namin si Nicole since siya ang pinakamalapit ang bahay sa school.

Pagdating sa bahay nila..

"Bat patay lahat ng ilaw? Walang tao?" - Ara

"Hindi ko alam wala naman silang sinabi sakin na aalis sila... Ano... Pwede bang samahan niyo muna akong pumasok..." - Nicole

"What? Takot ka sa dilim?" - Lance

"Sira hindi noh!" - Nicole

"O, hindi naman pala eh.. Aalis na kami.. Ingat ka." tapos sinara na ni Icy yung pinto at nagsimula ng magdrive yung driver paikot papunta dun sa likod ng bahay nila Nicole.

Tahimik kaming bumaba sa sasakyan at pinapasok na kami ng mama ni Nicole sa backdoor..

Sinilip namin siya sa may bintana para tignan kung nabuksan niya na yung gate.

Ang wala nakatunganga! Ganon ba siya katakot sa dilim?

"I told you it won't work!" bulong ni Ara sa amin.

"She's that scared of the dark?" - Icy

"Oo." - Ara

"Gagana yan. Ano tutunganga lang siya dun hihintayin na ubusin ng lamok yung dugo niya?" - Lance

And parang queue yung sinabi ni Lance, binuksan niya yung gate at patakbo na pumunta sa pinto...

At dahil ang bilis niyang tumakbo, pati kaming barkadang nagtatago dito sa may bintana nagmamadaling maghanap ng matataguan... Mukha kaming tangang nagmamadaling magtago habang nagpipigil ng tawa.

Pagbukas ng ilaw ni Nicole,

"SURPRISE!!!!!!" - lahat ng bisita niya

"BWHAHAHAAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA!!!!!" - kaming barkada niya

"Grabe naman kayo! Pwede namang buksan yung ilaw kung bakit kailangan nakapatay! Tinakot niyo ko ng grabe ah!!!!" - Nicole

Nagrereklamo na siya, pero kaming mga kabarkada niya humahagalpak parin sa tawa.

"Huy! Ano bang pinagtatawanan niyo jan?!" - Nicole

"Ano pre? Ayos ka lang? Bwahahahaahhaha!!!!" tanong ni Marco kay Lance

Pano kasi, nung patakbo na kami sa tataguan, natilapid siya tas hindi makatayo, edi kinaladkad ni Art at ni Marco si Lance.

"Putek kasi eh, bat kailangan tumakbo mula sa gate papunta sa pinto Nicole?!" - Lance

"Hoy, wag mong sigawan yan! Bithday niyan ngayon, baka nakakalimutan mo." - ako

"Mike, hindi ko nakakalimutan. Sa susunod flashlight ang ireregalo ko sayo. O di kaya lampara!" - Lance

"Hindi pre, kandila kamo!" - Art

"Geh geh! Akin yung lighter!" - Marco

"Pasosyalin mo naman! Gawin mo namang posporo!" - ako

"So trip niyo ko?" - Nicole

"Oo. Birthday mo eh!" - Ara

"Dapat nga papatayin namin yung breaker eh.. Para hindi mo mabuksan yung ilaw." - Icy

I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon