Chapter 56
Clarissa Annalyn's POV
*Rehersal for Prom*
"Good morning students!!" - Sir Bryan
"Good morning sir." - students
"Please welcome Mr Allen. He will be your dance instructor for the prom..." - Sir Bryan
"Good morning sir." - students
"Good day. Now, for us not to waste time, please get your partner." - Sir Allen
Nagsisintas ako ng sapatos ko habang dumadada ng dumadada dun yung dance instructor namin.
"Ehem."
Tinignan ko kung sino yung nag-ehem.
"Lika na. ^_^" - Ethan
"Mm." - ako
Tumayo na ako at napansin kong kanina pa pala nakahaya yung kamay ni Ethan.
Tinanggap ko naman at tumayo na din ako...
"Okay, before I give you you're places, I want to check of everybody can cope up with what we're going to do. Please step forth ladies and gentlemen..." - Sir Allen
Pumunta agad kami sa may gitna.
"Boys, put your right hand to the waist of your partner." - Sir Allen
Dahan-dahang hinawakan ni Ethan yung bewang ko.
"Then, raise you left arm. Then girls, take it." - Sir Allen ulit
Ginawa ko naman din, kayalang nabigla ako nang hawakan ni Ethan yung siko ko sa left side at dahan-dahan niyang inislide yung kamay niya habang inaangat ito hanggang sa maabot niya yung bandang kamay ko at ipinatong ito sa balikat niya.
"Then, hold the shoulder of your partner." - Ethan
Ganun din ang sinabi ni Sir Allen.
"Okay. Now follow my beatings. We will always count 1,2,3. Make a step everytime we say 1. Understood?" - Sir Allen
Nagplay siya ng isang tunog at nagsimula na kaming sumayaw.
Tumitingin ako sa paa namin para malaman ko kung anong itatapak ko.
"Wag ka tumingin sa paa natin. Sa mata ko lang ikaw tumingin." - Ethan
"Eh.. Hindi ko alam kung anong itatapak ko." - ako
"Mas malilito ka kapag ganyan. Sakin lang ang tingin." sabi ni Ethan habang inaangat yung baba ko.
Nung magsisimula na ulit kami, hindi ko padin napigilan tumingin sa baba.
"Ang kulet." inangat ulit ni Ethan yung mukha ko.
"Eh, hindi ko nga kasi alam tsaka hindi ko mapigilan." - ako
"Basta. Sakin ka lang tumingin." - Ethan
Nang sasayaw na ulit kami, napatingin parin ako sa paa niya.
"Ang kulit mo talaga..."
Titigil na sana ako sa pagsasayaw, kaso..
Bigla siyang bumaba ng konti, pinagdikit ang noo namin at muling umangat.
"A-a......anong ginagawa mo???" - ako
"Eh, ayaw mong tumingin sa akin eh... Kaya eto nalang. Ngayon wala ka ng kawala." - Ethan
BINABASA MO ANG
I was wrong
Lãng mạn"love does not exist in this world. the only thing that exists in this world is pain." yan ang pinaniniwalaan ng bida natin sa story na ito. simula palang nung bata siya, nakatatak na yan sa isip niya. . . . . . . pero, love nga kaya ang hindi niya...